Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Ang Mga Artistang Kapamilya Kung Ituring Ang Kanilang Mga Kasambahay

Batid ng marami sa atin na ang trabaho ng isang artista ay tunay namang maraming pinagkaka-abalahan, nandiyan yung busy sila sa shooting, mga interviews, pagphoto-shoot at marami pa ngang iba, kaya naman talaga namang marami sa kanila ay wala ng oras na mag-asikaso pa ng mga gawaing bahay. Dito na nga pumapasok sa buhay ng mga artista ang mga kasambahay na malaki ang naitutulong sa kanila, lalo na sa pag-aasikaso sa loob ng kanilang pamamahay.

Tunay namang ang isang kasambahay ay malaki ang naitutulong sa pinagsisilbihan niyang pamilya. Ang ginagawa nilang pagtatrabaho ay hindi nga naman talaga biro dahil sa kanilang pagod, hirap at sakripisyo. Mapalad naman ang mga pamilya na nabiyayaan ng mga kasambahay na masipag,

mapagkakatiwalaan at tapat, kaya naman ang mga ganitong kasambahay ay itinuturing na rin na miyemro ng pamilya ng kanilang mga amo, bilang pasasalamat nga din sa kanila.
Samantala, narito nga at kilalanin natin ang mga sikat na artista na labis ang pagpapahalaga sa kanilang mga kasambahay at pamilya na nga kung ituring ang mga ito.

KC Concepcion

Lumaki sa pangangalaga ng kanyang Yaya Lina ang aktres na si KC Concepcion, kung kaya naman labis silang naging malapit sa isa’t isa. Kung ituring ng ani KC ang kanyang Yaya Lina ay kanyang pangalawang magulang, kaya naman bilang ganti niya sa naging pag-aalaga, pagmamahal at kabutihan nito sa kanya ay binigyan niya ang kanyang Yaya ng isang house and lot noong taong 2018.

Chesca Garcia at Doug Kramer

Kilalang pamilya na may napakaraming endorsement ng iba’t ibang produkto ang pamilya ng mag-asawang Chesca at Doug Kramer. Palagi ring abala sa mga endorsement ang tatlong anak ng mag-asawa na sina Kendra, Scarlet at Gavin. Batid naman natin na sina Chesca at Doug ay hands-on sa kanilang mga anak, sa kabila nito ay kinakailangan pa rin nila ng katuwang at mag-aasikaso sa loob ng kanilang tahanan kaya naman kumuha rin sila ng kanilang kasambahay.

Ang Team Kramer ay tunay namang malaki ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang mga kasambahay, sa katunayan nga ng matapos na ang kanilang bagong bahay, ay talaga namang nilaanan nila ng longue area ang mga ito na may kumpleto ring kagamitan.

Isabelle Daza

Isa sa mga aktres na talagang malapit sa mga kasambahay si Isabelle Daza, ito ay dahil nga siya ay lumaki rin sa pag-aaruga ng kanyang Yaya Luning. Kahit nga ngayong may sarili ng pamilya ang aktres ay nanatiling nasa tabi ni Isabelle ang kanyang Yaya Luning, sa katunayan ay inaalagaan din nito ngayon ang anak ni Isabelle na si Baltie.

Tinitiyak din ni Isabelle na lahat ng mga benepisyong nararapat sa mga kasambahay base sa ipinatutupad ng gobyerno ay maibibigay niya sa mga ito. Maliban pa dito, hinihikayat din ni Isabelle ang kanyang mga kasambahay na mag-ipon, at kung magkano nga ang maipon ng mga ito sa loob ng isang taon, ay dodoblehin niya pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Kris Aquino

Dahil sa pagiging isa niyang single mom, ay kinailangan din ng ani Kris Aquino ng kasambahay na magiging katuwang niya sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. Parang kapamilya na rin nga ang turing ni Kris sa kanyang mga kasambahay, ang Yaya ng kanyang mga anak na si Yaya Bincai Luntayao ay tinulungan niya sa pagpapatayo nito ng bahay at nang ikasal din ito ay si Kris din ang sumagot sa gastusin.



Kilalanin Ang Mga Artistang Kapamilya Kung Ituring Ang Kanilang Mga Kasambahay
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments