Dahil sa dami ng proyektong kanilang pinagsamahann ay tila nga solid na solid na ang nabuong pagkakaibigan sa aktor na si Joshua Garcia at sa magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Matatandaan na unang nakatrabaho ni Josua ang real life couple sa pelikulang pinagbidahan ng mga ito, ang ‘Barcelona: A Love Untold’ na ipinalabas sa mga sinehan noong taong 2016.
Samantala, nabibilang din sa mga malalapit na kaibigan nina Joshua, Kathryn at Daniel ang aktres na si Ria Atayde. Ang pagkakaibigan nila sa aktres ay nagsimula noong makasama naman nila ito sa pelikulang ‘The Hows of Us’ na ipinalabas naman noong taong 2018. Kabilang din nga sa grupo nila ang aktres na si Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda. At sa pagdaan nga ng panahon, ay mas lalo pang naging matibay ang samahan at pagkakaibigan ng kanilang grupo.
Ang magkakaibigan nga ay madalas na magkasama at gumagawa ng mga masasayang adventure, kagaya na lamang nga nito ay ang naging masaya nilang camping noong nakaraang taon sa isang malayo ngunit napakagandang lugar.
Kahit nga may kanya-kanyang karera sa mundo ng showbiz na pinagkakaabalahan ang magkakaibigan, ay nagagawa pa rin nilang makapag-bonding lalo na nga kapag sila ay nabibigyan ng pagkakataon na magsama-sama. Halimbawa na lamang nito ay ang muli nilang pagsasama-sama nito lamang nakaraan, kung saan isang bonding naman sa beach ang masaya nilang ginawa.
Sa Instagram ng aktor na si Joshua Garcia ay makikita nga ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga larawan at video sa mga naging ganap sa ginawa nilang bonding sa beach ng kanyang mga kaibigan. Masisilayan nga sa ilang larawan at video na maliban sa pagtatampisaw sa tubig dagat at nag-enjoy silang magkakaibigan sa pagje-jetski.
“The way I see it”, ito nga ang naging maikling caption ni Joshua sa kanyang IG post.
Ang kaibigan naman niyang akttres na si Kathryn Bernardo ay nagawa ring magbahagi ng ilang mga larawan sa kanyang Instagram, kung saan ang larawan nga ay kuha ng sila ay sama-samang kumakain na magkakaibigan.
“Why double-date when you can triple-date?! Also, my vote for the ‘Cutest Brunch Date’ award goes to the girl in pink sweater”, caption naman ng Kapamilya actress sa IG post niya.
Naging agaw-pansin naman sa mga larawan na ibinahagi nina Joshua at Kathryn na maliban sa kanilang grupong magkakaibigan, ay kasama rin nila sina Zanjoe Marudo at Alora Sasam sa kanilang naging beach getaway.
Hindi naman maitatanggi sa mga ngiti ng magkakaibigan sa larawan na sobra silang nag-enjoy sa kanilang beach getaway, at maituturing na naman nga nila ito na isa na naman sa mga hindi nila makakalimutang adventure.
Joshua Garcia Ibinahagi Ang Saya Sa Pagsakay Ng Jetski Kasama Sina Daniel Padilla
Source: Viral Pinas News






0 Comments