Hinahangaang aktres na si Yassi Pressman, inilarawan ng mga netizens na “maganda na, wala pang karate-arte”, ito nga ay matapos mamalangke ng sikat na actress-dancer.
Kung ganda ang pag-uusapan at taglay na husay sa pag-arte, ay isa ang aktres na si Yassi Pressman sa talaga namang hinahangaan pagdating sa mga ganyang bagay. At hindi lamang nga ang kagandahan at husay ni Yassi sa pag-arte ang pinupuri sa kanya ng madla, dahil kinabibiliban din ng mga ito ang taglay na kasimplehan ng aktres.
Nito nga lamang nakaraan ay mas napabilib ni Yassi ang publiko sa kanyang pagiging isang simple sa kabila ng kasikatan, ng siya nga ay mamili sa palengke ng walang anumang karate-arte sa katawan. Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Yassi ng isang video, kung saan makikita ang naging pagtungo niya sa palengke ng Pilar, Bohol, upang mamili ng mga sangkap na kanya ngang gagamitin sa putaheng kanyang lulutuin.
Makikita rin sa video na ibinahagi ni Yassi na siya ay pinagkaguluhan sa palengke ng mga market vendors at mamimili, hindi na rin ito nakapagtataka sapagkat siya’y isang sikat na aktres na hinahangaan.
Sa ibinahagi ring video ng aktres ay masisilayan kung paano nag-enjoy si Yassi sa kanyang ginagawang pamamalengke. Ayon pa nga kay Yassi, matagal-tagal na panahon na rin na hindi siya nakakapasok ng palengke.
“YEHEY!!! Nakapamalengke na ulit after so looooonggg! Ang saya saya!! Love you mga boholanons!!!”, ang naging saad ni Yassi sa kanyang ibinahaging video sa IG.
Maliban nga sa kanyang pagbabahagi ng kanyang kasiyahan na muling makapamili sa palengke, ay nagpaabot nga rin si Yassi ng kanyang pagmamahal para sa mga kababayan sa Bohol.
Samantala, ang mga napamili nga ni Yassi sa palengke ay hipon, gulat at isda. Nagpagilas pa nga si Yassi, at ipinakita na siya ay may alam sa pagtanggal ng kaliskis ng isda. Kita nga kung gaano ka-game ang aktres habang nagkakaliskis siya ng isda sa loob ng palengke.
Hindi rin naman pinalampas ni Yassi ang pagkakataon na mamigay ng mga t-shirt sa mga tao sa palengke , kaya naman mas lalo pa ngang natuwa sa kanya ang mga taga Pilar, Bohol at mas lalo siyang minahal ng mga ito.
Agad namang inulan ng papuri ang aktres dahil sa kanyang ipinamalas na kagiliwan sa madla at sa pagiging down to earth niya. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Beautiful person inside and out.”
“I love Yassi! Isa siya sa mga pinakasimpleng artista like Andi and Nadine.”
“Sarap ng mga hipon na yan. Ganda ng namimili happy for you at nakapamalengke ka na, galing mo pang magkaliskis ng isda, napakadown to earth mo talaga.”
Sa ipinamalas na kasimplehan ni Yassi ay tunay naman na sa mga artista ngayon sa showbiz ay masasabi natin na isa siya sa mga dapat hangaan at patuloy na suportahan. Ito nga ay dahil sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan at pagkakaroon ng marangyang buhay ay nanatili naman ang pagiging down-to-earth niya at simple.
Madlang Pipol Bumilib Sa Kasimplehan Ni Yassi Pressman Matapos Nitong Mamalengke
Source: Viral Pinas News





0 Comments