Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dating Janitor Na Pinoy Worker Nagmamay-Ari Na Ngayon Ng Sariling Restaurant Sa Australia

Maraming mga kababayan nating Pinoy ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, ito ay upang mas masuportahan nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya at mabigyan din ang mga ito ng mas maginhawang buhay. Batid naman natin na ilan sa mga pangunahing puhunan sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay ang pagiging masipag at matiyaga, kaakibat rin ng pagtatrabaho sa ibang bansa ay ang pangungulila mo sa iyong pamilya sapagkat milya milya ang layo mo sa kanila.

Isang kababayan naman nating Pinoy ngayon ang umaani ng paghanga sa social media, dahil sa matagumpay niyang pagtupad ng kanyang pangarap dahil sa kanyang ipinamalas na sipag at tiyaga. Ang Pinoy nga na ito ay ang 25-taong gulang na si John Andrew Dangca na taga Das Marinas, Cavite.

Si John Andrew ay nagsimulang makipagsapalaran at magtrabaho sa ibang bansa noong siya ay 19-taong gulang pa lamang matapos nga siyang kunin ng kanyang malapit na kamag-anak. Tulad ng iba, ay hindi rin naging madali ang buhay ni Andrew sa ibang bansa, sapagkat talagang madalas siyang nakakadama ng ‘homesick’ kung saan ay nami-miss nga niya ang kanyang pamilya.

Nagawa namang tiisin ni Andrew ang ‘homesick’ na kanyang nadarama dahil sa kagustuhan niyang matulungan ang kanyang pamilya. Upang matulungan nga ang kanyang pamilya sa Pilipinas, ay pinasok ni Andrew ang pagiging isang Janitor sa ibang bansa.

Kahit naman abala sa kanyang trabaho, ay nagawa pa rin ni Andrew na makapag-aral at makapagtapos ng kursong kanyang kinuha. Pinagsabay nga niya ang pagtatrabaho at pag-aaral, at sa huli ay matagumpay siyang nakapagtapos, kung kaya naman mas nagkaroon siya ng magandang oportunidad at siya nga ay naging isang assistant sa isang age care facility.

Sa kabila naman ng pagkakaroon ni Andrew ng mas maganda ng trabaho, ay hindi pa rin niya binitawan ang pagiging isa niyang janitor. Dahil sa kagustuhan niyang mas malaki ang maipadala niyang pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas, ay hindi lamang nga iisang trabaho ang ginagawa ni Andrew sa isang araw, kundi talaga namang todo ang kayod niya.

Kuwento pa nga ni Andrew, dahil sa dami ng kanyang trabaho at sa sobrang pagod niya minsan nga ay nakakatulog na siya sa sasakyan, kung saan ito lamang nga ang kanyang nagiging pahinga dahil pagkatapos nga nun ay didiretso pa siya sa isa pang trabaho niya.

Masasabi naman ni Andrew na talagang napakahirap ng naging buhay niya sa Australia, ngunit dahil din sa kanyang pagsusumikap, sipag at tiyaga ay unti-unti niyang natupad ang mgapangarap niya. Una na rito ay nakuha na niya ang kanyang pamilya at ngayon nga ay naninirahan na sila sa Australia, maliban pa dito ay nakapagpatayo na rin siya ng negosyo sa nasabing bansa.

Nakapagpundar nga siya ng isang restaurant business na tinawag niyang “Salu-Salo” na matatagpuan sa Canberra, Australia. Ang negosyo ni Andrew ay nagsimula ngang kumite noon pang mga nakalipas na taon at hanggang ngayon.

Tunay namang lahat ng pagtatiyaga ni Andrew ay nagbunga na, hindi lang para sa kanyang sarili kundi lalo’t higit ay para sa kanyang pamilya. Inspirasyon nga para sa lahat ang kuwento na ito ni Andrew, dahil sa kanyang pagsusumikap at pagtatiyaga, ngayon nga ay isa ng magandang buhay ang tinatamasa niya at ng kanyang pamilya sa bansang Australia.



Dating Janitor Na Pinoy Worker Nagmamay-Ari Na Ngayon Ng Sariling Restaurant Sa Australia
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments