Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ikinasal Na Ang Celebrity Couple Na Sina Bryan Santos At Marlann Flores

Sa unang buwan pa lamang ng Bagong Taong 2022 ay agad ng ipinadama ng celebrity couple na sina Bryan Santos at Marlaan Flores, na ang taong ito para sa kanila ay mapupuno ng pag-ibig, ito nga ay dahil matapos ang ilang taon nilang pagsasama ay tuluyan na nga silang nagsumpaan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa harap ng altar.

Batid natin na sa mundo ng showbiz ay marami na ring mga artista ang nakatagpo ng kanilang pag-ibig, ngunit ang iba sa kanila ay hindi nagtatagal ang relasyon sa kapwa artista, ito nga ay dahil na rin sa busy schedules nila. Ngunit sina Bryan at Marlann ay nagawa ngang lampasan ang bawat pagsubok na dumaan sa kanilang relasyon sa kabila nga na sila ay parehong nasa mundo ng showbiz. Sa bawat taon nga na lumilipas ay mas lalo pang tumitibay ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Si Bryan Santos ay kilala bilang pamangkin ni Charo Santos-Concio at Head Star ng Star Cinema na si Malou Santos. Matatandaan na siya ay isa sa mga mahuhusay na aktor na napabilang noon sa teleseryeng ‘Imortal’ na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Naging parte rin si Bryan ng grupong ‘Harana’ kung saan ay nakasama niya ang mga gwapong aktor din tulad niya na sina Joseph Marco, Marlo Mortel at Michael Pangilinan na nagbigay kilig sa marami nilang mga tagahanga.

Maliban sa taglay niyang talento, ay minahal at kinahumalingan din si Bryan ng marami niyang mga tagahanga dahil sa kanyang ‘good look’ at pagiging mestizo. Ngunit ng makilala nga at makasama niya sa seryeng ‘Imortal’ si Marlann Flores, ay ito na nga ang nakabihag ng kanyang puso.

Sa kabila ng maraming pagsubok, ay naging matatag ang relasyon nina Bryan at Marlann, sapagkat nanatili nga ang tamis ng kanilang pagmamahal ng 9-taon hanggang sa tuluyan na nga silang nag-next level ng kanilang pagsasama. Matatandaan na noong nakaraang taon, Araw ng mga Puso o Valenetine’s Day ng ma-engage ang magkasintahan, at isang taon nga makalipas ang engagement nila, sa wakas nga ay ikinasal na sina Bryan at Marlann.

Nito nga lamang nakaraang ika-4 ng Enero, araw ng Martes ay ikinasal na nga sina Bryan at Marlaan. At sa kabila ng parehong hindi pa nagbabahagi sa kani-kanilang social media account ang magkasintahan ay ang ilang mga naging panauhin naman nila sa kanilang pag-iisang dibdib ay nagbahagi ng ilang mga larawan at video sa social media.

Isa nga sa mga nagbahagi ng mga larawan sa naging kasal nina Bryan at Marlann ay ang pinsan ng aktor, kung saan ay ipinabatid pa nito sa pamamagitan ng kanyang caption ang mainit na pagtanggap ng kanilang pamilya kay Marlann.

“Congrats, cuz @bryansantos_welcome to the family @marlannflores”, saad ni Badji Mortiz.
“Glad to be part of your “Beautiful Mess”. Congratulations Bryan at Marlann. The road of forever starts here.”, sulat naman ni Direk Frasco Mortiz, kalakip ang larawan niya kasama ang bagong kasal.



Ikinasal Na Ang Celebrity Couple Na Sina Bryan Santos At Marlann Flores
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments