Kamakailan lamang ay nakapanayam ng aktres na si Aiko Melendez ang sikat na komedyanteng si Bayani Agbayani, kung saan ay nagbalik tanaw ang komedyante sa buhay niya noon, na ayon sa kanya ay bago nga niya nakamit ang magandang buhay na tinatamasa niya ngayon ay dumaan siya sa matinding kahirapan noon.
Ayon kay Bayani, bago niya napasok ang mundo ng showbiz kung saan siya nakilala at sumikat bilang isang komedyante ay naranasan niya muna ang maging kargador sa Divisoria, at ito ay upang maitaguyod niya ang kanyang pag-aaral.
Unang napag-usapan nina Aiko at Bayani sa panayam na ito sa komedyante ang naging tagumpaay nito, kung saan ito nga ay ang naging pagpapa-uso niya ng kantang “Otso-Otso.” Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na ang “Otso-Otso” ay isa pa rin sa ma sikat na awitin mula noon hanggang ngayon. Ito ay kadalasan na naririnig natin sa mga sayawan o fiesta.
Naitanong ni Aiko kay Bayani kung ano ang pakiramdam nito, na hanggang sa ngayon ay isa pa rin ang awitin niyang “Otso-Otso’ sa mga sikat na awitin na naririnig ng marami sa atin. “Sabi ko, ‘Alam mo ‘yung Otso-otso’ na ‘yan, nung natigil aako sa school tapos bumalik ako pinag-aral ko yung sarili ko, nag-umpisa ako 1988. Otso-otso na. Tapos Marian devotee ako, dinaanan ko po lahat ng religions sa buong Pilipinas, ito lang po ‘yung paniniwala ko. Naniniwala ako may Mama Mary. Kaya yung mga anak ko Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar at Marian Sabrina.”
“Ang birthday ni Mama Mary September 8, ang Immaculate Concepcion is December 8. So dun palang, sabi ko may regalo pala talaga sa akin si Mama Mary ‘yung 88.”
Ibinahagi nga ni Bayani na mahalaga sa kanya ang Otso-otso dahil nga ang numeron ito ay mayroong malaking parte sa kanyang buhay. Naniniwala si Bayani, na ang dahilan ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon ay dahil sa pagiging isa niyang deboto, at paniniwala sa Birheng Maria.
Matapos nito, ay saka naman ibinahagi ni Bayani ang mga hirap sa buhay na kanyang pinagdaanan, para lamang nga maigapang ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Ayon kay Bayani, mula pa elementarya ay nagsimula na siyang kumayod at dumiskarte, kung saan ay nagtitinda nga umano siya ng kung anu-ano para lamang siya’y makapagtapos sa elementarya. Maging nung siya ay high school na ay ang pagtitinda pa rin ng kung anu-ano ang ginawa niya para matustusan ang pag-aaral.
Para naman maigapang ang kanyang pagkokolehiyo ay pinasok ni Bayani ang pagiging kargador sa Divisoria, naranasan rin niya ang maging waiter. Pahayag niya, hindi siya namimili noon ng mapapasukang trabaho, basta ito ay malinis at marangal at makakatulong na matustusan niya ang pangangailangan sa eskwela.
“Nakapagtapos ako ng college, nagkargador ako sa Divisoria. Nag-waiter pa ako. Lahat pinasok ko basta malinis na trabaho, marangal. Pinasok ko po lahat ‘yan para makapag-aral ako.”
Ngayon nga ay may sariling pamilya at mga anak si Bayani, at ayon sa kanya, sa pagpapangaral sa kanyang mga anak ay madalas niyang sinasabi na mahalaga sa buhay ang pagtatapos ng pag-aaral at ang magtrabaho ng marangal.




0 Comments