Nang magkaroon ng krisis sa ating bansa, ay ipinanukala nga ng pamahalaan na ang mga menor de edad ay mas mainam namanatili sa loob ng tahanan upang maiwasan na sila ay madapuan ng nakahahawang [email protected]
At isa nga sa mga batang artista na ngayon ay hindi masyadong nakalalabas sa kanilang tahanan dahil sa krisis ay ang binansagang ‘Aling Maliit’ sa mundo ng telebisyon na si Ryzza Mae Dizon.
Upang mas maging produktibo naman si Ryzza Mae kahit siya ay nasa loob lamang ng kanilang tahanan, ay naisipan ng labing-anim na taon na child actress, ang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan at pangangatawan.
Sa isang panayam kay Ryzza Mae nito lamang nakaraan sa programang “Stories of Hope” na mapapanood sa GMA-7 ay sinabi niya na sa kanyang naging pananatili sa loob ng kanilang tahanan ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-work out sa tulong at gabay ng kanyang ina.
“Pag hindi ako nag-work out, lagot ako kay Mama. Magagalit siya sa akin kasi gusto niya po na fit ako, healthy po ako kasi importante ang workout sa ‘tin,” ani Ryzza. Kuwento niya, gusto talaga ng kanyang mama na maging fit siya, kaya naman talagang pinupursige siya nito na mag-workout araw-araw.
Dagdag pa ni Ryzza, sa panahon ngayon ay tunay na mahirap ang magkasakit kaya naman kinakailangan talaga na kahit nasa loob tayo ng ating tahanan ay ma-maintain natin na malusog at fit ang ating pangangatawan.
“Mahirap na po ‘pag nagkasakit. Dapat maintain lang po ‘yong healthy lifestyle,” ani pa Ryzza.
Ibinahagi rin ni Ryzza na ngayong siya ay nasa edad 16 na ay naiisip na rin niya ang mas magkaroon ng magandang pangangatawan, lalo na at ilang taon na lang ay magiging ganap na dalaga na siya.
“Gusto ko rin naman po na pumayat po ako kahit konti, kasi siyempre nagdadalaga na po ako. And para magka-leeg na rin po ako kahit konti,” saad ni Ryzza.
Matatandaan na noon lamang buwan ng Hunyo taon ng kasalukuyan ng magdiwang si Ryzza ng kanyang ika-16 taong kaarawan, at ng magbahagi nga siya ng kanyang mga bagong larawan ay marami ang napamangha ng makita na ang dating chubby na batang si Ryzza, ay ganap ng nagdadalaga lalo na’t may malaki na ring pagbabago sa hugis ng kanyang pangangatawan ngayon.
Makikita sa YouTube channel ni Ryzza Mae ang pagbabahagi niya ng mga daily workouts niya at maging ang mga pagkain na kanyang kinakaian upang mas maging fit at healthy siya.






0 Comments