Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Celebrity Couple Julia Barretto At Gerald Anderson Namataang Magkasama Sa Pundaquit Community Sa Subic Zambales Na Namamahagi Ng Tulong

Kamakailan lamang ay namataang magkasama ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa Pandaquit Community sa Subic Zambale, kung saan nga ay ipinakita ng dalawa ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang kapwa ng magkasama nga silang mamahagi ng tulong sa mga kababayan natin sa naturang lugar.

Sa mga kumalat ngang larawan sa social media, ay makikita na magkasamang namimigay ng relief goods ang magkasintahan.
Hinahangaan naman ng maraming mga netizens ang celebrity couple dahil sa ginawa ng mga ito na pamamahagi ng kanilang mga biyayang natatanggap sa mga taong batid nila na mas nangangailangan lalo na ngayong panahon ng krisis sa ating bansa.

Samantala, tila naman masaya sina Julia at Gerald ngayon sa kanilang relasyon, ito nga ay dahil sa maraming mga bagay na kanilang pinagkakasunduang dalawa. Makikita nga tila mas napabuti ng dalawa ang kanilang mga sarili mula ng magkaroon sila ng relasyon, at masasabi ngang maganda at positibo ang epekto nila sa isa’t isa.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na kamakailan lamang ng isapubliko nina Julia at Gerald ang pagkakaroon nila ng relasyong dalawa, matapos nga ang ilang beses nilang pagtanggi nito sa publiko.

Tila nga tadhana na ang gumawa ng paraan upang mabunyag sa lahat ang tunay na namamagitan sa dalawa, matapos ngang maging matunog ang pangalan ni Gerald noon lamang nakaraan dahil sa naging pag-aakusa sa kanya ng kanyang dating girlfriend na si Bea Alonzo na niloko niya ito dahil sa karelasyon nga diumano ng aktor si Julia Barretto.

Matapos naman ang ilang beses na pagtanggi, ay dumating na nga ang punto na inamin na ng dalawa sa publiko na sila ay may relasyon. At ng isapubliko na nga nila ang relasyon nila ay samu’t sari ng mga reaksyon mula sa netizens ang kanilang natanggap.

Ang mga tagahanga ng dalawa ay nasiyahan para sa kanila, ngunit may iba rin talaga na hindi ikinatuwa ang pagkakaroon nila ng relasyon at binashed nga sila ng husto ng mga ito, lalo pa’t tila nga lumalabas na niloko nila ang dating girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo.

Unti-unti naman ng nalampasan ng magkasintahan ang mga pagsubok na naging kaakibat ng kanilang relasyon, lalo na ang mga nam-babash sa kanila. Sa ngayon nga ay makikita ng masaya ang magkasinatahan dahil sa malaya na nilang gawin ang mga bagay na nais nila pagdating sa kanilang buhay pag-ibig.

Ayon naman sa mga ulat, bukas-palad na tinanggap ng pamilya ng aktres si Gerald, lalo na nga ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto. Nang bumisita nga si Julia sa bahay ng kanyang ina kasama ang nobyong aktor ay naging mainit ang naging pagtanggap ni Marjorie kay Gerald.
Bago naman ang naging pagtungo ng magkasintahan sa Pandaquit Community para mamahagi ng tulong, ay nauna na ngang magbakasyon ang mga ito sa Baguio kasama ang pamilya ng nobya niyang aktres.


Post a Comment

0 Comments