Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Cristina Gonzales Iniwan Ang Politika At Binalikan Ang Kanyang Karera Sa Mundo Ng Showbiz

Noong dekada 90 ay isa ang aktres na si Cristina Gonzales sa mga sumikat sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang angking kagandahan at karisma, dahilan upang maging pantasya rin siya ng maraming mga kalalakihan. Tunay na kaakit-akit ang kanyang kagandahan, idagdag pa ang pagkakaroon niya ng mala-rosas na kutis dahil sa siya’y may dugong Spanish at British.

Una siyang nakilala bilang isang mahinhin na aktres sa mga pelikula na una niyang ginawa, ngunit kalaunan ay pinasok na rin niya ang pagpapaseksi ng siya ay magkaroon na ng lakas ng loob na ibandera ang magandang hubog ng kanyang katawan. Sa naging pagpapaseksi ni Cristina ay mas lalo nga siyang nakilala ng publiko, at nagkaroon pa ng mas maraming proyekto. Nagbukas rin sa kanya ang oportunidad na maging ‘calendar girl’ ng isang sikat na brand ng inumin.

Matatandaan naman na ng pakasalan niya ang pamangkin ni Imelda Marcos na isang politician na si Alfred Romualdez ay tinalikuran ni Cristina ang kanyang kasikatan sa pagiging isang aktres. Sila naman ng kanyang asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na panay babae, at ito nga ay sina Sophia at Diana.

Hindi naman nagtagal, ay tila nagkainteres na rin si Cristina na pasukin ang politika, kaya naman noong taong 2007 at tumakbo at nagawa niyang magwagi bilang konsehal ng Tacloban. Ang kanyang panunungkulan bilang isang konsehal sa Tacloban ay umabot ng siyam na taon, at matapos nito ay tumakbo naman siya bilang mayor kung saan ay nakuha niya rin ang naturang puwesto at nanungkulan nga simula taong 2016 hanggang 2019.

Samantala, makalipas ang 15-taong pamamahinga sa pag-aartista, ay nagbalik telebisyon na si Cristina, kung saan ay pumerma na nga siya ng kontrata sa Viva Artist Agency. “I am 50, at my age now, I don’t think Viva will offer me the same roles that I did before. I think they will offer me something that’s age appropriate din, ‘diba?”

Ibinahagi ni Cristina, na isa sa mga dahilan niya sa pagbabalik telebisyon ay dahil sa nami-miss niya ang buhay showbiz, na malayo umano sa buhay niya nung siya’y pulitiko pa na napaka-seryoso lagi ng mga ginagawa niya. “I miss the fun in showbiz, politics is too serious.

There are always problems coming up in politics. You have to serve your constituents properly. Unlike sa showbiz, it was really more of fun a thing. Mas stressful ang politics”, ang naging pahaya ni Cristina. Sa ngayon ay napapanood natin si Cristina Gonzales bilang isa sa mga cast ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa Kapamilya network.


Post a Comment

0 Comments