Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mga Netizens Hinangaan Ang Jamming Session Ni Wendell Ramos At Unica Hijang Si Tanya Isabel

Marami ang hindi nakakabatid sa atin na ang Kapuso actor na si Wendell Ramos ay may itinatago ring talento sa pagkanta. At ito nga ay ipinamalas ng Prima Donnas star ng magkaroon sila ng jamming session ng kanyang unica hija. Si Wendell Ramos ay nakilala ng publiko bilang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ngunit maliban nga sa kanyang husay sa pag-arte, ay mayroon ding maipagmamalaki ang aktor pagdating sa pagugtog ng mga instrument at pagkanta ng mga paborito niyang awitin.

Kamakailan nga lamang ay ipinamalas ni Wendell ang kanyang talento sa pagkanta ng maka-duet niya ang kanyang 14-taong gulang na unica hija na si Tanya Isabel. Sa ganda ng boses nilang mag-ama ay talaga namang maraming netizens ang humanga sa kanilang talento pagdating sa pagkanta.
Habang sinasabayan nga sa pagkanta ang kanyang anak, ay ipinamalas rin ni Wendell ang husay niiya sa instrument, dahil makikita ang pagtugtog niya ng gitara kasabay ng pakikipag-duet niya sa anak niyang si Tanya.

Bilang ama, ay proud si Wendell sa kanyang anak na si Tanya, dahil kahit umano unang beses pa lamang nitong inaawit ang 90s hit song na kanilang kinanta ay ipinamalas agad nito ang kagalingan sa musika. “Proud of you nak! belramos through alam ko, this is the first time for you to sing this song… still you rock!!! #girldad #morethanwords #fatherdaughter #qualitytime #thankyouforalltheblessings”, ang naging pahayag ni Wendell sa kanyang post.

Ang naging mahusay na pagdu-duet nga na ito ni Wendell at ng kanyang unica hija na si Tanya ay umani ng napakaraming views at reaksyon mula sa mga netizens. Pumalo na nga sa mahigit 1.4 milyon ang nakapanood sa Facebook ng video nga na ito ng mag-ama kung saan ay mapapanood ang naging singing duet nila.
Matatandaan na taong 1995 ng magsimula ang aktor na si Wendell Ramos sa industriya ng showbiz. Ang kanyang unang naging proyekto ay ng mapabilang siya bilang cast ng Bubble Gang, isa sa mga pinakamatagal ng Kapuso comedy show na umeere sa telebisyon.

Nagsunod-sunod naman ang mga proyekto ni Wendell dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte, idagdag pa ang kanyang taglay na karisma at kapogian.
Naging isa rin si Wendell sa mga itinuturing na matinee idol noong kanyang henerasyon, ito nga ay matapos niyang mapabilang sa youth-oriented show na ‘Click’.
Ang seryeng ‘Prima Donnas’ na mapapanood sa Kapuso network naman ang ngayon ay latest project ni Wendell, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Jaime Antonio Claveria.

Hindi nga lamang si Tanya Isabel ang anak ni Wendell, dahil maliban dito ay may anak na lalaki ang aktor, at ito nga ay si Wendell Saviour Jr., na kamakailan lamang ay sumunod sa yapak ng kanyang ama at pinasok na rin ang pag-aartista.


Post a Comment

0 Comments