Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Naging Pagpapasilip Ni Jinkee Pacquiao Ng Isa Sa Mga Negosyong Shrimp Farm Ng kanilang Pamilya Sa Sarangani

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang pamilya Pacquiao ay isa sa mga mararangyang pamilya sa ating bansa. Batid rin natin na bago ang tinatamasa nilang karangyaan ay nagmula muna sila sa hirap ng buhay, at dahil nga sa pagsusumikap ni Sen. Manny Pacquiao sa pagiging isang mahusay na boksingero ay nabigyan niya ng maganda at marangyang buhay ang kanyang pamilya.

Ngunit kahit naman napakalayo na ng narating ng pamilya Pacquiao pagdating sa estado ng pamumuhay, ay hindi pa rin naman nagbago ang kanilang pakikitungo sa kanilang kapwa, at nanatili ngang ang paa ay nakatapak sa lupa.

Ang pamilya Pacquiao ay kilala ngayon sa ating lipunan, hindi lang dahil sa pagiging senador ni Sen. Manny Pacquiao at sa pagiging fasion icon ng kanyang misis na si Jinkee. Kilala din sila dahil sa kanilang napakaraming ari-arian, kung saan nga ay ilang mga naglalakihang mansion ang mayroon ang kanilang pamilya, ganun rin ang pagkakaroon nila ng magagarang sasakyan na milyon ang halaga.

Samantala, maliban sa mansion, sasakyan at kung ano-ano pa, ay isa pa nga sa mga ari-arian na maipagmamalaki ng pamilya Pacquiao ay ang kanilang mga naipundar na negosyo. Isa na nga sa mga ito ay ang ngayon ay pinagkakaabalahan ng maybahay ni Sen. Manny na si Jinkee Pacquiao. Kamakailan nga lamang, isa sa mga negosyo ng kanilang pamilya ang ipinasilip ni Jinkee Pacquiao at ito nga ay ang napakalawak nilang Shrimp Farm na matatagpuan sa Saranggani.

Sa kabila nga ng simpleng ayos ni Jinkee habang ipinapasilip ang kanilang Shrimp Farm ay naging kapansin-pansin rin para sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang pagiging ‘class’, na nagpapatunay ngang isa talaga siyang kahanga-hangang fasion icon. Ang shrimp farm na ito ng pamilya Pacquiao ay tunay namang kamangha-mangha dahil sa high tech ang water system nito na nagbubuga at nagpapaikot ng tubig. Napakalawak rin ng farm, na ayon nga kay Jinkee ay isang man made water poll.

Maliban sa kanilang Shrimp Farm ay pinasilip rin ni Jinkee ang malawak na ‘sweet farm’ kung kanyang tawagin, at ito ay tunay na karelaks-relaks dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na swimming pool. Ayon kay Jinkee, madalas sila ng kanyang pamilya sa farm nilang ito, kung saan dito sila nagba-bonding at nagkakasiyahan.

Maraming netizens naman ang agad nagbigay ng komento sa naging pagpapasilip na ito ni Jinkee sa kanilang farm, at saad nga ng iba sa kita pa lang ng farm nina Jinkee ay hindi na talaga makakaranas ng hirap ang pamilya nito at ilang mga luxury bags din ang kayang bilhin ng kita ng kanilang shrimp farm.


Post a Comment

0 Comments