Masaya ang buhay pag-ibig ngayon ng aktres na si Sue Ramirez sa piling ng kanyang nobyo ngayon na kinilalang si Javi Benitez. Ngunit sino nga ba si Javi Benitez? Marami sa mga tagahanga ng aktres ang nagnanais malaman ng personalidad ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. Ayon sa ilang mga ulat, si Javier Benitez o mas kilala nga ng publiko bilang si Javi Benitez ay anak ng kilalang politiko at negosyante na si Albee Benitez na mula sa Negros Occidental. Siya ay isinilang noong ika-8 ng Oktubre taong 1994 sa lungsod ng Quezon City, ngunit kumaki at nagbinata sa Maynila.
Bago naging matunog ang pangalan ni Javi bilang nobyo ni Sue, una muna siyang nakilala ng publiko sa isang TV show sa Studio 23 sports themed na “Sports Kids”. Ngunit dahil sa mas binigyan ng tuon ni Javi ang kanyang pag-aaral ay pansamantala niyang hininto ang kanyang karera sa showbiz.
Matapos ang kanyang pag-aaral ay nagbalik showbiz si Javi, kung saan noon ngang taong 2016 ay muli siyang napanood sa isang TV segment na may titulong ANC’s Game Charger.
Matatandaan rin na napabilang siya sa Kapamilya serye noon na “The Generals Daughter” na pinagbidahan ni Angel Locsin, kung saan nga ay gumanap siya bilang isang negosyante. Nabigyan naman ng sarili niyang break si Javi bilang isang aktor sa pinagbidahan niyang palabas na “Kid Alpha One”.
Samantala, lingid naman sa kaalaman ng lahat, na maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, ay isa rin si Javi sa mga namamahala sa negosyo ng kanilang pamilya. Ayon sa ilang mga ulat, may magandang posisyon ang binatang aktor sa kumpanya ng kanyang ama.
Kilala bilang chairman ng Leisure & Resorts World Corp ang ama ni Javi na sa Alphee Benitez, kung saan ito ang nagpapatakbo ng Bingo Parlor sa buong bansa. Si Albee rin ang isa sa mga may-ari ng Briglight Production, isa sa mga may multi-million deal sa Kapatid Network.
Ngayon nga ay si Javi Benitez ang kasintahan at nobyo ng aktres na si Sue Ramirez, at ito ay kinumpirma ng dalawa ng aminin nila na magkarelasyon na nga sila. Ngunit maliban sa pagsasabi na magkarelasyon na sila ay wala na ring iba pang detalye na ibinahagi sina Sue at Javi patungkol sa relasyon nila.






0 Comments