Kamakailan lamang ng abangan ng maraming Pilipino ang muling pagbabalik ng tinaguriang “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacquiao sa Boxing Ring kung saan ay nakatunggali niya ang Cuban boxer na si Yordenes Ugas. Bigo man na magwagi, ay naging proud pa rin para kay Sen. Manny ang kanyang asawa’t mga anak, pati na rin ang maraming mga kapwa niya Pilipino na sumusuporta at umiidolo sa kanya.
Samantala, sa naging laban nga na ito ni Sen. Manny, ay hindi nawala sa kanyang tabi ang maybahay niyang si Jinkee Pacquiao. Kung saan ay ilang beses nga itong nahagip ng kamera habang nakikipagbabakan si Sen. Manny sa boxing ring.
Dahil rito, ay marami ang nakapansin sa naging napakagandang OOTD outfit ni Jinkee ng araw na ‘yon, na hindi naman na kataka-taka sapagkat noon pa man ay kinagigiliwan na siya dahil sa kanyang pagiging fashion icon.
Sa kanyang OOTD na ‘all-pink ensemble’ ay talaga namang lumitaw ang taglay na kagandahan ni Jinkee Pacquiao at ang pagiging fresh-young look nito.
Agad namang umagaw ng pansin sa mga mata ng publiko ang kabuuang OOTD outfit ni Jinkee, at mas namangha pa nga ang marami ng ilabas ng PEP.ph na ang suma-total na halaga ng naging outfit ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao ay umabot sa P2-milyon.
Sa artikulong inilabas ng PEP.ph ito lamang ngang araw ng Martes, ay ibinahagi nila sa publiko ang bawat halaga ng mga naging kasuotan ni Jinkee Pacquiao. Makikita sa naging ulat ng PEP ang halaga ng bawat kasuotan ni Jinkee, kung saan ito nga umano ay ibinase nila sa brand websites pati na rin sa mga online platforms shopping store nito.
Ang Zimmerman mini dres na suot ni Jinky ang inakauna nga sa lahat ng mga nakaagaw pansin sa kanyang OOTD kung saan ayon sa naging ulat ng PEP.ph ito umano ay may halagang $863.79 o kung sa pera ng Pinas ay aabot sa P43,264.65.
Ilan pa sa mga naging agaw-atensyon na OOTD niya ay ang kanyang limited edition Mini Lady Dior pink alligator bag na ang halaga ay aabot ng $9,500 to $11,145 o P475,000 to 558,000.
Ang pares ng Boucheron 18k rose gold dimond Serpent Boheme earrings na suot din ni Jinkee ay aabot naman ang halaga sa $4,551 o P227,945.94.
Nakasuot rin ng ilan pang mga palamuti si Jinkee sa kanyang OOTD, kagaya na lamang ng isang Jewel box necklace na yellow gold with emerald-cut pink tourmaline na ang halaga ay aabutin ng P275, 401.50, samantala ang suot naman niya na bracelet na 18k rose gold na may disenyong diamond ay aabutin naman ng P876,242.5 ang halaga. May isa pa ngang bracelet na suot si Jinkee at ito naman ay 18K Ball Bypass yellow gold na nagkakahalaga naman ng $1,900 o P95,134.90.
Mula umano sa sikat na jewelry company na Tiffany and Co., ang mga mga pamuting ito na suot ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao, kaya naman talagang mamahalin at napaka-elegante tingnan ng mga ito.
May suot ding “Pearls of Gold” ring si Jinkee, na naging agaw-pansin rin at sa ginawa ngang pagsisiyasat ng PEP.ph ay napakamamahalin din umano nito dahil ang halaga nito ay umaabot ng 1,040 per gramo at pumatak nga sa halos P71,516.47 ang kabuuang halaga.
Kabilang rin sa mga naging OOTD ni Jinkee ang Amina Muaddi Begum glass pumps na pumapatak naman sa halagang P112,518.12.







0 Comments