Natatandaan niyo pa ba ang dating sexy-actress na si Anjanette Abayari? Isa siya sa mga sumikat at naging kilalang aktres noong dekada 90. Ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan ay talaga namang pinapantansya ng maraming mga kalalakihan, at hinahangaan naman siya ng marami sa kahusayan niya bilang isang aktres.
Matatandaan na isa sa mga hindi malilimutan na kanyang naging pagganap ay ng gamapanan niya ang pagiging “Darna” noong taong 1994, kung saan ay talaga namang umagaw ng pansin sa lahat ang kanyang napakaseksing katawan at taglay na kagandahan.
Ilan nga sa mga bigating artista na nakasama niya sa palabas na ito ay sina Edu Manzano, Rustom Padilla, Pilita Corales, Bong Alvarez at Cherry Gil.
Kung ating babalikan si Anjanette Abayari ay nakilala muna bilang isang beauty queen, bago siya napasok sa mundo ng showbiz.
Ang kanyang taglay na kagandahan ay inihalintulad sa Welsh actress na si Catherine Zeta.
Taong 1991 ng ihirang siyang Binibining Pilipinas Universe, ngunit dahil sa kanyang pagiging isang American citizen, ay hindi na niya ito naipagpatuloy sa susunod niyang laban kaya naman siya’y pinalitan ni Maria Lourdes Gonzalez.
Sa kabila naman ng naudlot niyang paglaban sa Miss Universe, ay marami namang mga oportunidad ang nagbukas kay Anjanette, at isa na nga rito ay ang pagpasok niya sa mundo ng pag-aartista.
Buwan ng Oktubre taong 1999 ng bigla namang magbago ang kapalaran ng actress-beauty queen, ito nga ay matapos niyang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Guam airport. Ang naturang pangyayari ang naging dahilan upang ilang taon din siyang ma-ban sa Pilipinas.
Pagkalipas naman ng ilang taon,noong ika-31 ng Oktubre taong 2015 ay muling nakabalik ng Pilipinas si Anjanette, at kasama na nga niya ng panahon na ito ang kanyang dalawang anak na lalaki matapos nga nilang dumalo sa isang family reunion sa Iloilo.
Samantala, matapos ang naging pagkabigo sa kanyang naging relasyon, ay muli namang nakatagpo ng panibagong pag-ibig si Anjanette sa katauhan nga ng isang pastor na kinilalang si Gary Pangan.
Na-engaged si Anjanette kay Pastor Gary Pangan noong taong 2018, at tinanggap nito ng buong-buo ang dalawang anak nito na lalaki na sina Aiden at Ashton.
Sa ngayon nga ay mayroong masayang buhay si Anjanette sa piling ng kanyang pamilya. At makikita nga sa kanyang YouTube channel na tila mas malapit na ngayon sa Diyos ang dating actress-beauty queen dahil sa ang madalas na nga niyang ibahagi sa kanyang channel sa YouTube ay mga Bible verses.







0 Comments