Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

“Hindi Ito Prank” Daryl Ong Inalok Na Ng Kasal Ang Kanyang Girlfriend Na Si Dea Formilleza

Tila nga naman handa ng pumasok sa isang responsibilidad ng pagpapamilya ang magkasintahang Daryl Ong at Dea Formilleza. Ito nga ay matapos ang naging matagumpay na wedding pproposal ng singer sa kanyang nobya.

Kamakailan nga lamang sa kalagitnaan ng pag-livestream ni Daryl ay bigla na lamang itong nag-propose sa kanyang nobyang si Dea Formilleza.

Samantala, ayon sa ibang mga ulat, upang maging sorpresa nga para sa nobya ni Daryl ang wedding proposal niya para rito ay nagpanggap siya na abala sa kanyang ginagawa. Sa una ay binati nga niya ang mga manonood niya sa kanyang livestream, at ikinuwento din niya ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng kanyang ina.

Matapos nga nito, ay unti-unti naman na biglang nagbago ang tinig ni Daryl, habang nagpapa-abot nga ng kanyang pasasalamat sa nobya niyang si Dea dahil sa malaking naitulong nito sa kanya.
“Gusto ko na ring i-take ang opportunity na ito para magpasalamat sa iyo, sa ginawa mo sa panahon na may malaking pagsubok ang aking pamilya. Thank you so much, tinulungan mong gumaan ‘yung sitwasyon namin”, ang naging saad ni Daryl.

Nabanggit din ni Daryl ang kabaitan ng kanyang nobya, at ang naging pagmamahal nito para sa kanya at sa kanyang pamilya na labis nga niyang ipinagpapasalamat dito.

Matapos nga ng kanyang mga salitang ito, ay kanya ng inilabas ang engagement ring niya para sa nobya, na talaga namang ikinagulat ni Dea. Kasabay nga nito ay ang naging katanungan ni Daryl sa nobya, kung tatanggapin ba nito ang alok niyang kasal, at di naman siya nabigo dahil “OO” ang naging kasagutan sa kanya ni Dea.

Hindi naman maiwasan ni Dea ang mapaiyak sa tuwa dahil sa kaganapan na ito sa relasyon nila ng kasintahan. Agad namang nilinaw ni Daryl sa nobya, na hindi isang ‘prank’ ang naging alok niyang kasal dito.

Samantala, pag-amin naman ng magkasinatahan hindi ito ang unang pagkakataon na inalok ni Daryl ng kasal si Dea dahil noong taong 2016 ay nag-propose na rin si Daryl sa nobya, kung saan ay tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam nito at kahit pamilya nila ay hindi nakaalam sa naging unang wedding proposal.

Sina Daryl at Dea ay nagsimula sa pagkakaibigan noong taong 2011, at ang kanila namang relasyon at pag-iibigan ay nagsimula noong taong 2016.


Post a Comment

0 Comments