Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sikat Na Kontrabidang Si Cherie Gil Mayroong Napakagwapo At Napakakisig Na Anak

Isa sa mga batikang aktres sa mundo ng showbiz na tunay namang hinahangaan ng marami ay si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas nakilala nga ng publiko sa telebisyon bilang si Cherie Gil.
Maliban sa pagiging isang kilalang batikang aktres, ay kilala rin siya bilang kapatid ng mga aktor na sina Mark Gil at Michael de Mesa.

Si Cherie Gil ay kasal noon sa dati niyang asawang si Roni Rogoff, isang Israeli violinist. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nagsimula taong 1994 ngunit nagkahiwalay noong taong 2008.

Sa naging panayam noon sa aktres, ay ibinahagi niya kung ano ang nagtulak sa kanila ng kanyang dating asawa na putulin na ang kanilang relasyon, matapos nga ang ilan taon din nilang naging pagsasama.
“Were both growing up as human beings. May iba’t ibang klase ng pagmamahalan”, ang naging pahayag noon ni Cherie Gil.

Dagdag pa niya, “Para sa akin kapag mahal mo ang isang tao, you have to leave a room for each other to grow. You have to give each other space without losing the connection emotionally.”

Biniyayaan naman ng dalawang anak ang naging pagsasama ni Cherie Gil at ng kanyang dating asawa, at ang mga ito nga ay ang mga anak nilang sina Bianca at Raphael Eigenmann.

Samantala, ngayon nga ay naging kapansin-pansin si Raphael sa publiko dahil sa taglay na kagwapuhan nito. Marami sa mga netizens ang nagsasabi, na maari nitong sundan ang yapak ng inang si Cherie Gil pa pasukin ang mundo ng showbiz dahil sa taglay na kagwpuhan at karisma nito na namana niya sa kanyang ina.

Ayon sa ilang mga ulat, si Raphael at ang kapatid niyang si Bianca ay parehong lumaki sa Israel, ngunit sa kasalukuyan ay naka-base sila pareho sa bansang New York. Si Raphael ay mahilig sa paglalaro ng football, at pag-tatravel kung saan ay madalas nitong kasama sa kanyang mga travel ang kasintahan niyang si Solveig Martin.

Sa kabila naman ng naging pagkakahiwalay ng mga magulang nila, ay nanatili namang magkaibigan si Cherie Gil at ang dati niyang asawa, matapos ngang mapa-walang-bisa ang kasal ng mga ito noong taong 2008.

Tuwing may espesyal events sa kanilang pamilya, ay nakukumpleto pa rin sila. Sa katunayan pa niyan ay mayroon silang larawang apat na magkakasama na nakunan nga sa isang mahalagang events ng kanilang pamilya.

Dahil nasa Amerika ngayon naka-base sina Raphael at Bianca ay madalang silang makasama ni Cherie Gil, ngunit upang makasama ang mga ito ay talagang naglalaan ang batikang aktres na mabisita ang dalawa niyang anak. Paminsan-minsan ay sina Bianca at Raphael naman ang bumabyahe patungo dito sa Pilipinas, upang bisitahin at makasama ang kanilang ina.


Post a Comment

0 Comments