Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Pamumuhay Ngayon Ni Tweetie De Leon Ang Isa Sa Mga Naging Star Noon Sa “Okay Ka Fairy Ko”

Natatandaan niyo pa ba si Tweetie de Leon? Siya ay isa sa mga kinikilalang aktres at modelo sa industriya ng showbiz noon. Siya ay unang nadiskubre bilang isang modelo noong nasa edad 14 pa lamang siya. At dahil sa naging pagpapamalas niya ng kanyang husay sa pag-rampa, ay marami pa nga ang nagbukas na oportunidad sa kanya.

Ngunit bago tuluyang pasukin ni Tweetie ang mundo ng showbiz ay aminado siyang noong una ay nagdadalawang-isip pa siya, pero kalaunan ay tinanggap niya ang oportunidad na ito sa kanyang buhay.

Siya nga ay napabilang sa proyektong “Okay Ka Fairy Ko”, kung saan ay mahusay niyang ginampanan ang karakter na si Faye Kabisote, ang asawa ng bidang karakter na si Enteng Kabisote na ginampanan naman ng TV host-actor na si Vic Sotto.

Samantala, hindi naman nagtagal ay pinasok din ni Tweetie ang pagiging isang negosyante, kung saan ay napagtagumpayan nga niyang palaguin ang negosyong kanyang itinayo.
Maliban nga sa pagiging isang kilalang aktres ni Tweetie, ngayon ay isa na rin siyang health advocate at negosyante.

Sa ngayon ay mayroon na ring isang maganda at masayang pamilya si Tweetie de Leon. Siya ay ikinasal kay Jose Ramon “Mon” Gonzales noong taong 1995, at nabiyayaan na rin sila ng mga anak. Ayon sa mga ulat, sampung buwan lamang naging nobyo ni Tweetie ang asawa na niya ngayong si Mon ng sila’y magdesisyon ng magpakasal.

At sa kabila nga ng maikling panahon ng kanilang pagiging magkasintahan, ay pinatunayan naman nila na wagas ang pagmamahal nila sa isa’t isa dahil hanggang ngayon nga ay matatag at masaya pa rin ang pagsasama nilang mag-asawa.

Prayoridad umano ngayon ni Tweetie ang maging ina ng kanyang mga anak at asawa sa kanyang mister.
Ang panganay na anak ni Tweetie na si Sabina ay nagmo-modelo na rin ngayon, at may dalawa pa nga itong kapatid na lalaki na sina Nicolas at Lorenzo. Ang bunsong anak ni Tweetie na si Lorenzo ay mahusay naman sa paglalaro ng football.

Makikita naman sa mga larawan ng pamilya ni Tweetie na isa sa mga kinahihiligan nilang family bonding ay ang pamamasyal sa magagandang lugar sa loob at labas ng Pilipinas. At isa nga sa talaga namang magandang lugar na kanilang pinuntahan kung saan sila ay mayroong mga family photo ay ang bansang Spain.

Maraming mga netizens naman ang hinahangaan ang pagiging isang hands-on mom at asawa ni Tweetie sa kanyang pamilya.


Post a Comment

0 Comments