Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Tahimik Na Buhay Ng Dating Miyembro Ng EB Babes Na Si Lian Paz

Isa sa mga sumikat na all-female dance group sa telebisyon noong taong 2006 hanggang 2008 ay ang “EB Babes” na mapapanood noon sa programang Eat Bulaga at siya ngang pumalit sa sikat na dance group din noon na Sexbomb dancers.

Si Lian Paz ay isa nga sa mga magaganda at seksing kababaihan naging miyembro ng EB Babes, kung saan ay nakasama niya ang ilan pang miyembro nito na sina Anne ‘Hopia’ Boleche, Joyce Burgos, Angel Coronel, Mae dela Cerna, Saida Diola, Kim Guevarra, Gene Maranan, Madel Palma, at Belle Rivera.

Siya rin ang itinuturing na pinakalider ng naturang grupo, at inihahalintulad rin siya lider ng grupong Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan. Matatandaan na naging matunog pa ang pangalan ng grupong EB Babes ng magkaroon sila noon ng showdown ng Sexbomb dancers, dahil sa marami nga ang nagsasabi na mas mahusay pa rin ang orihinal na grupong huling nabanggit.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat, na ilan sa mga miyembro ng EB Babes ang nagkaroon ng relasyon sa mga kilala at sikat ding celebrity. Kagaya na nga lamang nito ay si Lian Paz, na naging kasintahan nga noon ang aktor at komedyanteng si Paolo Contis.

Sa naging panayam noon ni Roderick Paulate kay Lian, ay ibinahagi ng EB Babes dancer ang naging hiwalayan nila ni Paolo Contis, ito nga ay matapos ang halos apat na taon nilang relasyon, at pagakakaroon ng dalawang anak na sina Xonia at Xalene.

“I think nae-exh𝔞ust na ako sa mga problem𝔞 na dumarating na dapat pinag-uusapan naming dalawa. Tsaka hindi sa akin nanggaling yung hiwalayan. Siya yung nakapag-dec𝔦ded, una sa lahat, to leave me with my k𝔦ds”, ang naging saad ni Lian sa nasabing panayam.

Ayon pa sa naging paglalahad noon ni Lian, sa naging hiwalayan nila ng aktor ay mayroong naganap na ‘third party’ ngunit ito nga ay hindi taga showbiz, at sa kabila nito ay pinilit pa nilang isalba ang kanilang relasyon. Ngunit tuluyan nga itong nauwi sa hiwalayan, dahil sa hindi naman nakikipag-cooperate si Paolo.

Magmula nga noon ay nagdesisyon si Lian na iwan ang karera at magpokus na lamang na alagaan ang kanyang mga anak.

Samantala, sa mga lumabas naman na ulat kamakailan nga lamang, ay napag-alaman na ngayon ay may panibago ng nagpapatibok sa puso ni Lian, at ito nga ay ang businessman na si John Cabahug, na kaklase nga umano niya noong siya ay nasa elementary at high school.

Nagsimula umano ang magandang pagtitinginan sa kanila ni John ng kunin siyang endorser ng negosyo nito. Sa ngayon nga ay masaya ang buhay ni Lian kasama ang karelasyon niyang si John na mayroon ding naging anak sa dati nitong karelasyon. Sa kabila naman nito ay maayos naman ang samahan ng kani-kanilang mga anak, at tila tunay nga na magkakapatid ang turingan.


Post a Comment

0 Comments