Sa likod ng bawat katuparan ng pangarap ay may nakamamanghang kuwento ng inspirasyon , dahil tunay naman na lahat ng bagay na ating pinapangarap na nabigyan na ng katuparan ay bunga ng ating naging pagpupurige at pagsusumikap.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang kuwento ng naging katuparan ng pangarap ng isang dalaga na ng dahil sa kanyang naging pagsisikap ay natupad niya nga ang pangarap niyang maging isang doktora.
Kinilala siya na si Dr. Honesty Excell V. Salazar, at ang kuwento nga ng kanyang naging katuparan ng pangarap niyang maging doktora ay ibinahagi niya kamakailan lamang at ito nga ay kanyang pinamagatang “Ang Kuwento ng 300K.”
“OO NAMAN!”, ang bukod tanging pinanghahawakan ko.. kasi naniniwala ako kahit ano mangyari igagapang nila yung pangarap ko”, saad niya. Dagdag pa niya, “Sa bawat taon na dumaraan.. halos magbenta ng lupa, sasakyan at magbanat ng buto yung mga magulang ko para lang makapasok ako at makatuloy sa laban.”
Ayon nga sa kanya, dumating siya sa punto na pinunit niya ang blangkong papel sa likod ng libro niya para sumulat sa accounting office na hindi muna niya mababayaran ng buo ang para sa kanilang exam. Mabuti na nga lamang umano, ang kanyang ate ay pinahiram sa kanya ang tuition fee nito na siya ngang ipinandagdag niya sa pambayad niya upang maka-eksam siya.
Pinasalamatan naman ni Honesty ang lahat ng mga taong tumulong sa kanya simula umpisa hanggang sa huli, lalo na nga ang mga tumulong sa kanya noong panahon na gipit na gipit siya at hindi alam kung makakapasok ba siya sa susunod na semester.
Sa huli ay buong puso rin niyang pinasalamatan ang Panginoong Diyos, dahil biniyayaan siya ng sobrang sipag na mga magulang na nagtulungan at nagsumikap na maitaguyod ang kanyang pag-aaralsa medisina.
“Tunay nga talagang hindi niya titingnan kung magkano ang pera mo.. dahil ang titingnan niya ay ang paniniwala mo na kaya mong tuparin ang mga pangarap mo.”
Pinatunayan naman ni Honesty na gaano man kahirap ang sitwasyon ng buhay ng isang taon dahil sa mga pagsubok na dumarating ay kinakailangan lamang na magpatuloy sa paglaban at pagbangon dahil sa huli ang lahat ng naging hirap at pagsusumikap ay maari mong makamtan.






0 Comments