Isa sa mga mahuhusay na aktres noon pa mang dekada 90 magpa-hanggang sa ngayon ay ang Kapuso actress na si Aiko Melendez. Ang kanyang talento sa pag-arte ay tunay na kahanga-hanga dahil sa kahit anong karakter, mapa-bida man o kontrabida ay mahusay niyang nagagampanan at nabibigyan ng buhay.
Samantala, kung sa harap ng kamera ay nakikita natin ang isang Aiko Melendez na mahusay sa pagiging artista, sa likod naman nito at sa tunay niyang buhay ay kahanga-hanga rin siya bilang isang mapagmahal at maarugang ina.
Ang panganay na anak ni Aiko na si Andre Yllana ay nagdiwang ng ika-23 taong kaarawan nito kamakailan lamang. Si Andre ay anak ng Kapuso actress sa kanyang dating asawang aktor na si Jomari Yllana.
Sa social media account ni Aiko ay nagbahagi siya ng gwapong larawan ng anak niyang si Andre, at kalakip nito ay ang sweet birthday message niya para sa kanyang anak.
“To my panganay, happiest birthday son. You are loved, today, tomorrow and always. No matter how big you get or far you go I will be here for you. Love you so much”, saad nga ni Aiko sa kanyang IG post.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na tulad ng kanyang mga magulang, ay pinasok na rin I Andre Yllana ang mundo ng showbiz. Sa panayam noon sa binata, ay kanyang nabanggit na isa sa kanyang mga pangarap ay ang makagawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya, at hindi lang makilala bilang anak ng mahuhusay na aktor at aktres na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
“Makapagtayo ng sarili ko pong name, na hindi lang po anak ni Aiko at anak ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makilala po ako as Andre Yllana”, ani Andre.
Naibahagi rin ni Andre na ang kanyang inang si Aiko ang kanyang inspirasyon, dahil bata pa lamang siya ay nasubaybayan niya na kung gaano kahusay na artista ang kanyang ina.
“My inspiration is my Mommy. Growing up, nakita ko na busy siya palagi sa pag-arte. kapag nakikita ko ‘yung mga roles niya, lalo na kung kontrabida siya, ako ang kinakabahan. So, mas kakabahan ako kay Mommy, knowing how good she is”, dagdag na saad pa ng binata.
Bilang isang ina, ay proud na proud naman si Aiko sa panganay na anak, dahil hindi lang ito isang mabuti at mapagmahal na anak, kundi napaka responsable pa nito. Matatandaan na kamakailan lang, ay masayang ibinahagi ni Aiko ang matagumpay na matapos ng kanyang anak na si Andre ang kurso nitong Automobile Mechanic Course sa Don Bosco technical Institute.
Aiko Melendez Ibinahagi Ang Sweet Birthday Message Para Sa Binatang Anak Na Si Andre
Source: Viral Pinas News





0 Comments