Isa ng covergirl ngayon ang ating ‘weightlifting fairy’ na si Hidikyn Diaz, ito nga ay matapos niyang ibida sa isang magazine photoshoot ang kanyang taglay na lakas at ganda bilang isang Pilipina.
Si Hidilyn Diaz ay ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng gintong medalya sa ating bansa, sa ginanap na Tokyo Olympics 2021. Ang naging pagkasungkit niya ng gintong medalya ay talaga namang naging kasaysayan para sa ating bansa, kaya naman ng makauwi siya mula sa ginanap na Olympics ay nagsunod-sunod ang mga pagbibigay pugay na ginawa para sa kanya ng iba’t ibang mga organisasyon.
Samantala, kamakailan nga lamang ay kinuha si Hidilyn bilang cover girl sa ika-20 anibersaryong pagdiriwang ng isa sa mga sikat na local lifestyle magazine, ang Tatler Philippines.
Makikita sa Instagram account ni Hidilyn ang naging pagbabahagi niya ng ilan niyang mga nag-gagandahang larawan na kinunan sa naging photoshoot niya bilang cover girl ng nasabing magazine.
Sa photoshoot nga na kanyang ginawa para sa Tatler Philippines ay iba’t ibang mga damit ang kanyang sinuot, na ayon nga kay Hidilyn ay mismong ang celebrity stylist na si Liz Uy ang pumili.
Highlight sa mga larawan ni Hidilyn ay ang kanyang gold medal na naiuwi mula sa naging pagkapanalo niya sa Tokyo Olympics. Naging kapansin-pansin rin na looking proud, strong at beautiful din si Hidilyn sa bawat larawan niya.
Kalakip naman ng mga larawan na ito ni Hidilyn ay ang kanyang caption, kung saan ay kanyang inihayag ang kanyang kasiyahan sa magandang resulta ng ginawa niyang magazine photoshoot.
Ayon kay Hidilyn, nakakapagod man ang ginawa nilang photoshoot para sa ‘Pinoy Pride’ issue magazine ng Tatler Philippines, ay di naman matatawaran nito ang kasiyahan na kanyang nadarama ng makita na niya ang resulta ng kanilang ginawa.
“HAPPY 20TH ANNIVERSARY TATLER for this PINOY PRIDE issue! Sa birthday ni Mama Mary, feeling ko ang ganda ko rito. Thank you Sir @antonsd and Sir @iamnoelferrer for making this happen”, ani Hidilyn.
“Sa gitna ng napakaraming challenges, nangyayari ang dapat nang mangyaring maganda, mahusay at mabuti! Pagod ako nu’ng kinunan ito – pero sobrang saya ko! Ang ganda talaga!!!, dagdag na saad pa niya.
Ika-26 ng Hulyo ng makamit ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, ito nga ay matapos niyang magwagi sa 55kg category sa weight lifting competition.
Marami namang netizens ang agad na pinuri ang kagandahan ni Hidilyn sa nasabing pag-cover nito sa Tatler Philippines magazine. Ayon sa ibang mga komento ng mga netizens, ramdam na ramdam sa mga larawan ni Hidilyn ang kakaibang lakas na kanyang taglay bilang isang babae.
Hidilyn Diaz Ibinida Ang Kanyang Magazine Photoshoot Na Inilibas Ang Ganda Ng Isang Pilipina
Source: Viral Pinas News






0 Comments