Patuloy pa rin na kinikilala ng masa mula noon hanggang ngayon ang batikang singer-actress na si Sharon Cuneta, o mas kilala ng publiko bilang si “Mega Star”.
Hindi kataka-takang minahal at sinuportahan ng marami si Mega Star, dahil sa ilang dekada din niyang naging pagpapamalas ng kanyang telento sa pag-awit at pag-arte sa industriya ng showbiz.
At dahil sa talagang siyang iniidolo ng marami, ay hindi lamang ang kanyang ga pelikula, awitin at teleserye ang inaabangan ng marami, kundi maging ang mga kaganapan sa buhay niya.
Si Mega Star Sharon Cuneta ay hindi lamang nga kinikilala dahil sa kanyang pagiging isang sikat na mang-aawit at artista, dahil hinahangaan din sa kanya ang pagiging isa niyang mabuting asawa at ina.
Samantala, kung ang pag-uusapan ay ang angking kagandahan at hubog ng pangangatawan, ay tila hindi magpapahuli si Mega Star. Dahil sa kabila ng naging malaking paglobo ng kanyang pangangatawan noon, ngayon nga ay nagbabalik alindog na ito, sa kabila ng kanyanng edad na 55.
Tila nga mas iniingatan at inaalagaan na ngayon ni Mega ang kanyang kalusugan at pangangatawan. Dahil makikita sa mga bagong larawan na kanyang ibinahagi sa social media account niya, ang mas fit na nga niyang pangangatawan ngayon.
Sa Instagram account ni Mega Star Sharon Cuneta ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mirror selfie, kung saan siya nga ay nakasuot ng pajama at pink na t-shit na may print na “Just God.” Kapansin-pansin nga larawan na ito ni Mega Star ang mas seksi na nitong pangangatawan.
Maliban pa sa mirror selfie niya, ay may isa pa ngang larawan si Mega Star na nakapagpa-wow pa lalo sa ga netizens, at ito nga ay ang larawan niya kung saan ay makikita naman siyang nakasuot ng swimsuit, na nagpalitaw nga sa kanya ng magandang hubog ng pangangatawan ngayon.
Marami naman sa mga tagasuporta at tagahanga ni Mega Star ang nagbigay papuri at komento sa mga larawan niyang ito, at ang iba pa nga ay nagsabi ng “grabe ang sexy.”
Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
“Payat!!!! I am inspired..” “Grabe sexy ni @really Sharoncuneta oh!!!! Bongga!!! Kakainspire!!!
“Wow! [emoji] sexy ma! Grabe naman po!”
Mga Netizen Napa-Wow Sa “Mirror Selfie” Ni Mega Star Sharon Cuneta
Source: Viral Pinas News







0 Comments