Tunay na malaki ang naging epekto ng krisis sa buhay natin, lalo na pagdating sa mga pagdiriwang natin ng okasyon. Kung noon ay maramihan ang mga bisita sa isang okasyon, ngayon nga ay limitado ito.
Sa kabila naman ng pagbabago nga na ito sa pagdiriwang natin ng okasyon, ay sinisigurado naman ng marami sa atin, na kahit hindi katulad noon na nakasanayan nating maraming bisita kapag may okasyon, ay maipagdiriwang pa rin natin ang isang okasyon ng masaya lalo na kapag sama-sama at buo ang isang pamilya.
Halimbawa na nga lamang nito, ay ang naging okasyon kamakailan lamang sa pamilya Pacquiao, na kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang panganay na anak na babae na si Princess Pacquiao. At sa kabila ng mga limitasyon ngayong panahon ng krisis, ay sinigurado naman ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao na maidadaos pa rin nilang pamilya ang kaarawan ng kanilang anak.
Noon nga lamag ika-1 ng Oktubre, sa ikalawang pagkakataon ay muling nagdiwang ng kanyang kaarawan sa panahon ng krisis ang panganay na babaeng anak nina Jinkee at Manny na si Mary Divine Grace Pacquiao o mas kilala sa kanyang palayaw na Princess.
Sa kabila naman ng mga limitasyon dahil sa krisis, ay naging masaya pa rin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Princess. Samantala, para naman sa kaarawan ni Princess ay may ibinahaging mensahe ang kanyang mga magulang para sa kanya, kung saan ay mababasa nga ito sa Instagram ng mga ito. Sa IG post ng kanyang amang si Manny o mas kilala bilang si Pacman, ay mababasa ang nakaka-touch na mensahe niya para sa anak niyang si Princess.
“Happy 15th Birthday Princess! Time seems to have flown by. Just the other day you could barely stand, and now I get to watch you grow beautifully in the Lord’s ways. You are deeply loved. Happy birthday!”, ang naging mensahe ni Pacman, para sa anak niyang nagdiriwang ng kaarawan.
Hindi rin naman nagpahuli ang in ani Princess na si Jinkee Pacquiao, dahil maging ito ay maz matamis na mensahe ng pagbati para sa anak. “Happy 15 th birthday my dear Princess @mpacquiaoo We love you so much! You’re loved, today, tomorrow and always!”, ang naging saad ni Jinkee.
Si Princess Pacquiao ay ang panganay na anak na babae ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao. Siya ay may apat pang mga kapatid, na sina Jimuel, Michael, Queenie at Israel.
Princess Pacquiao Masayang Ipinagdiwang Ang Kanyang Ika-15 Taong Kaarawan
Source: Viral Pinas News






0 Comments