Sa nakalipas na selebrasyon nga ‘Halloween’ ay muli ngang bumida ang mga cute na anak ng mga artista sa kanilang iba’t ibang mga nag-gagandahan at nakakabilib na Halloween costumes.
Narito nga ang ilan sa mga super cute kids celebrity na talaga namang naging agaw-pansin sa mga netizens ang naging costume sa nakaraan ngang Halloween.
1.Dahlia Ammelie Heussaff
Siya ay ang napaka-cute baby girl ni Anne Curtis at ng asawa niyang si Erwan Heussaff. Nito ngang nakalipas na Halloween ay nagmala-Hidilyn Diaz ang naging costume ni Baby Dahlia, kung saan ay isinuot nga ng cute na bata ang kagaya sa suot ni Hidilyn ng ito ay manalo ng gintong medalya noong nakaraang Tokyo Olympics.
Hindi lamang costume ang ginaya ni baby Dahlia sa kanyang naging pictorial para sa Halloween, kundi mayroon din siyang mga props, katulad na nga lamang ng barbell na tila nga kanyang binubuhat, kaya mas lalo pa niyang nagaya si Hidilyn
“Our Gold Medalist!”, saad ni Anne sa ibinahagi nga niyang larawan na ito ng kanyang anak na si Baby Dahlia. Dagdag pa niya, “@hidilyn inspiring the youth that with hard work and preservance you can achieve your biggest/heaviest dreams.”
2. Seve Soriano
Ang anak ng mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na si Seve ay nagmala-Cedie naman ang naging costume noong Halloween. Matatandaan na si Cedie ay isa sa mga paboritong cartoon noon. Makikita nga na suot ni Seve ang tulad sa kasuotan ni Cedie, kagaya na nga lamang ‘signature beret at handkerchief’ nito.
“Cedie, ganito ang nangyayari sa mga makukulit na bata”, ang naging caption ni Toni sa larawan, kung saan makikita ngang siya ay nagmala-Miss Minchin at ang kapatid niyang si Alex ay nagmala-Princess Sarah.
3. Biana Gonzales Family
Mga Disney character naman ang naging bihis noong Halloween ng aktres na si Bianca Gonzales at kanyang asawa’t mga anak. Nagmala-Moana si Bianca, Isang Prinsipe naman ang kanyang asawa, at ang dalawa nilang anak na sina Lucia at Carmen ay nagmala-Sleeping Beauty at Snow White.
“We have officially reached the Disney Princess stage,” saad ni Bianca sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “All costumes were the kids’ choice, and of course, their daddy is our Prince Charming. Happy Halloween!!!!
4. Baby Amari nina Coleen at Billy
Naging si Player 456 naman sa hit series na “Squid Game’ ang naging costume ni baby Amari, kung saan ito nga ay ang karakter ni Seong Gi Hun. “Halloween with babies is the best,” said Coleen in her post, which featured Amari and her baby sister, Alison, who dressed up as the robot doll in the Red Light, Green Light game.
Sulyapan Ang Mga Cute Kids Celebrity Suot Ang Kanilang Halloween Costumes
Source: Viral Pinas News









0 Comments