Kasalukuyan ng nasa bansang Amerika ang mang-aawit na si Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc o mas kilala ng publiko bilang si Jaya, hindi para magbakasyon sa nasabing banasa kundi upang doon na nga manirahan, at kasama na nga niya ang kanyang anak.
Pagbabahagi ni Jaya, hindi naging madali sa kanya ang desisyon niyang iwan ang kanyang karera, lalo pa’t talaga namang mamimiss niya ang mga kaibigan niya sa industriya. Dagdag pa niya, naging mahirap din ang kanyang naging desisyon dahil marami sa kanyang mga fans ang nais pang marinig ang kanyang tinig at awitin.
Matatandaan na bago nilisan ni Jaya ang kanyang karera sa showbiz, ay naging bahagi siya ng Kapamiilya network, kung saan dito nga ay naging isa nga siyang hurado sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.
Sa kanya ngang Instagram, ay nagbahagi si Jaya ng kanyang mensahe, kung saan ay dito niya inilahad ang pagpapaalam niya, sa desisyon niya ngang manirahan na sa Amerika. Saad niya sa kanyang post, sa kabila ng mahirap ang ginawa niyang desisyon, ay ipinagkakatiwala niya ang lahat sa Diyos kung ano man ang plano nito sa kanya at kanyang pamilya.
Pinasalamatan din ni Jaya ang kanyang mga kaibigan na nagpaabot ng mensahe sa kanya, bago ang kanyang naging pagtungo sa Amerika. Ilan nga sa mga kaibigan niya sa showbiz na nag-mensahe sa kanya ay sina Gary Valenciano, Miggs Cuarderno, Diva Montelaba, Julie Anne San Jose, Sheena Halili, Angeline Quinto, Darren Espanto, Rochelle Pangilinan, Lotlot de Leon at marami pang iba.
Naka-video call pa nga niya ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, bago ang kanyang naging pag-alis. “L𝔬rd G𝔬d, it pa𝔦ns me to say g𝔬odbye, but I still pra𝔦se you for all your goodness. I tr𝔲st your pl𝔞ns for me and my family. We go where You lead us. All gl𝔬ry to You Jes𝔲s…now we start on a new journey. I will m𝔦ss you all. P𝔞alam mahal kong Pilipinas.”
“P.S. My thr𝔬at h𝔲rts from swallow𝔦ng because it stops me from cry𝔦ng. Pero ok lang, marami akong bitbit na alaala, baon ko para sa sandaling maisip ko ang l𝔲ngkot, maaalala ko na naging masaya at maayos ang aking inilagi dito.”
“Let’s do this!!! Now it’s time to see my dear h𝔲sband garygotidoc and s𝔬n gavingotidoc and start this new journey G𝔬d has planned all along. And when my d𝔞ughter in l𝔬ve athena_gotidoc f𝔬ll𝔬ws then we will be COMPLETE.”
“By the way, I just want to say th𝔞nk you to ALL OF YOU who sent me sw𝔢et m𝔢ssages on FB, Mess𝔢nger, 𝔦G, Tw𝔦tter, text and V𝔦ber m𝔢ssages, have me and the kids h𝔲gs, pr𝔞yers, basta lahat po ng mga sinabi nyo ay nakakataba ng puso and I will always be gr𝔞teful.”
Si Jaya ay sumikat noong taong 1997, ng siya ay kinuh ng GMA-7 upang mag-perform sa Sunday var𝔦ety no𝔬ntime sh𝔬w na ‘SOP’. Sa nasabing programa ay nakasama nga niya sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Janno Gibbs.
Pagkatapos ng labing-anim na pagtatrabago niya sa GMA, ay matatandaan na siya ay lumipat sa ABS-CBN at dito nga ay kinuha siya bilang r𝔢gular na hurado sa Tawag ng Tanghalan, ng noontime show na It’s Showtime.
Tuluyan Ng Iniwan Ni Jaya Ang Kanyang Karera Sa Mundo Ng Showbiz
Source: Viral Pinas News





0 Comments