Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler ang mga larawan kung saan ay makikitang masaya siyang nakikipag-bonding sa kanyang anak na si Talitha Cumi. At talaga namang makikita sa awra ng aktor, kung gaano ito kasaya ngayon sa kanyang buhay dahil sa kanyang binuong pamilya.
Kung noon nga ay kilala ng marami si Baron bilang isa sa mga pasaway na aktor sa industriya ng showbiz, ngayon ay makikita na nga ang napakalaking pagbabago sa kanya, dahil mula sa pagiging isang barumbado ay isa ng matino at responsableng indibidwal si Baron, lalo na nga magkapamilya na siya.
Mula nga sa pagiging matigas na ulo ng aktor, ngayon ay naging napakalambot naman ng kanyang puso. Ito nga ay napalambot ng kanyang pamilya na laging sumusuporta at nagmamahal sa kanya. At mas lalo pa ngang naituwid ni Baron ang kanyang landas ng mas mapalapit siya sa Panginoon.
Sa kasalukuyan ay masaya nga ang buhay ng aktor na si Baron Geisler, at ito ay talaga namang masisilayan sa mga larawan na kanyang ibinabahagi sa social media account niya. At ilan nga lamang sa mga larawan na ito ay ang naging masayang family bonding nila, lalo na nga ang pakikipagsabayan niya sa kakulitan ng anak niyang si Talitha Cumi.
Ikinatuwa naman talaga ng maraming netizens ang nakikita nilang napakalaking pagbabago ngayon kay Baron at kung gaano ito kasaya sa kanyang buhay ngayon.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Gnyan dn ako noon, kung hindi ka naging mabuting anak sa magulang mo, maging mabuting magulang ka sa mga anak mo. Nice one Baron!”
“Enjoy mo na lang yan Baron ang Family, masarap talaga kapag ang family kasama mo.”
“Wow, he’s turning into a new leaf na talaga, ang ganda ng anak mo sir Baron, idol kita, ang galing mong aktor, sa Recuerdo de Amor ang husay at ang galing mo doon. God bless always.”
“Wow kamukha ni Sir Baron cutypie.” “Habang lumalaki yung baby ni Baron, lalong gumaganda.” Tunay nga namang walang tatalo sa masayang bonding ng isang pamilya. Talaga namang masasabi natin na napakasaya ng buhay, kapag kasama natin ang ating pamilya sa hirap man o ginhawa ng ating buhay. Ang pamilya ay isa sa mga pinaka-importanteng bagay sa mundo.
Mga Netizens Kinagiliwan Ang Masayang Pakikipag-Bonding Ni Baron Geisler Sa Kanyang Anak
Source: Viral Pinas News







0 Comments