Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sa Unang Pagkakataon Roxanne Barcelo Ipinasilip Na Sa Publiko Ang Itsura Ng Kanyang Asawa

Kamakailan lamang ay isinilang na ng aktres na si Roxanne Barcelo ang panganay na anak nila ng kanyang asawa.

At kung noon ay ang madalas lamang ibahagi ni Roxanne sa kanyang social media account ay ang ma larawan nila ng kanyang napaka-cute na baby boy, at hindi nga nito isinasapubliko ang hitsura ng kanyang napangasawa, ngayon nga, sa unang pagkakataon ay isinapubliko na ng aktres ang gwapong mukha ng kanyang non-showbiz husband.

Sa mga larawang ibinahagi ni Roxanne sa kanyang Instagram noon lamang ika-21 ng Nobyembre ay makikita na kasam ng aktres ang kanyang asawa, na ayon nga sa kanya at sa pisikal na hitsura din nito ay isa nga itong banyaga o foreigner.

Ayon nga sa naging caption ng aktres sa larawan, na nagdiwang sila ng kanilang anibersaryo ng kanyang asawa, kung saan dalawang taon na nga silang magkasama, kaya naman ang ipinagdiriwang nila ay ang kanilang ika-2nd anniversary.

“Happy anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wo ai ni (I love you)”, ang naging lahat ni Roxanne sa kanyang caption.

Hindi naman nilinaw ng aktres, kung ang anibersaryo ngang ipinagdiwang nila ng kanyang asawa, ay anibersaryo bilang couple o nung sila ay ikinasal.
Matatandaan na ang 36-taong gulang na aktres,

ay ibinahagi ang mga larawan ng kanyang kasal noong buwan ng Disyembre nu’ng nakaraang taon, at nung panahon ngang iyon ay marami ang nakapansin na hindi isinapuliko ni Roxanne ang hitsura ng kanyang napangasawa, dahil sa mga larawan nga na ibinahagi niya ay hindi makikita ang hitsura nito dahil sa nakatalikod ito sa larawan.

Ngayon pa lamang nga isinapuliko ni Roxanne ang mukha ng kanyang asawa, at nakapagwapo naman talaga nito. Sa unang pagkakataon din ay nagbigay ngilang detalye si Roxanne tungkol sa personalidad ng non-showbiz husband niya.

Noon nga ay na-interview si Roxanne ni Toni Gonzaga sa show nitong Toni Talks, at dito nga ay ibinahai ng aktres kung bakit hindi niya ipinakita sa publiko ang hitsura ng napangasawa niya.

“Hindi siya taga rito. He’s from Hong Kong. But he lives a very private life”, ang naging pagbabahagi ng ani Roxanne ng siya ay makapanayam ni Toni Gonzaga sa ‘Toni Talks.’
Dagdag pa nga ng aktres, pinili umano niya na hindi magbahagi ng maraming detalye, dahil pinahahalagahan niya ang pribadong buhay ng kanyang asawa.

“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decisions to stay private. I’m hoping one day dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-Big Brother ang peg”, ani Roxanne.
Sa kasalukuyan, ay masayang masaya si Roxanne sa buhay niya ngayon, at para nga sa kanya ay napaka-fulfilling ang makabuo ng kanyang sariling pamilya.



Sa Unang Pagkakataon Roxanne Barcelo Ipinasilip Na Sa Publiko Ang Itsura Ng Kanyang Asawa
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments