Napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang parang kailan lamang ng isilang ni Pokwang ang anak niyang si Malia O’Brian at ngayon nga ay tumuntong na ito sa kanyang ika-4 taong gulang matapo nga nitong magdiwang kamakailan lamang ng kaarawan.
Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang social media account ang mensahe niya ng pagbati sa anak niyang si Malia ng ito ay magdiwang ng kaarawan. Ayon nga sa post ni Pokwang, dalawang taon ng sa loob lamang ng kanilang tahanan ipinagdiriwang ng kanyang anak ang kaarawan nito, at ito nga ay dahil sa krisis na patuloy na kinakaharap natin ngayon.
Sa post nga ni Pokwang ng kanyang pagbati sa anak niyang si Malia, ay nagpaabot din siya ng paumanhin dahil sa pagdiriwang nga nito ng kaarawan, ay sa bahay lamang nga sila ulit nagdiwang.
“Happy, happy 4th birthday sa aking manika manikaan!!!!
Dalawang taon ka ng nagbi-birthday sa bahay lang dahil sa krisis na ito, pero ok lang yan nak ang mahalaga ligtas ka lagi at malusog na bata”, ang naging saad nga ni Pokwang sa kanyang post.
Ipinaabot din ni Pokwang sa kanyang post ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal dahil sa naging pagdating ni Malia sa kanilang buhay at sa pagbibigay sa kanyang anak ng kalusugan at malakas na pangangatawan. Nagpahabol din siya ng kahilingan niya para sa kanyang anak.
“Thank you God sa mga biyaya ko at ito ay ang aking mga anak? malusog na pangangatawan at takot sa Diyos yan ang wish ko sayo tisay @malia_obrian at maraming cakes yeheyyy I love you! #happybirthdayMalia.”
Kalakip naman ng post na ito ni Pokwang ay ang larawan nila ng anak niyang si Malia, kung saan ay makikita na sila ay nakasuot ng purple na dress at naka-pose nga ng tila nagme-makeup.
Kaagad namang nagpaabot ng pagbati ang mga kasamahan ni Pokwang sa industriya ng showbiz at maging mga netizens para kay Malia.
“Happy birthday Baby Malia! Wag ka muna lumaki agad, you are so pretty!”, ang naging pagbati nga ng aktres na si Gladys Reyes kay Malia.
Ang buong pangalan ni Malia ay Malia Francine O’Brian, siya ay ang ikalawang anak ni Pokwang, ngunit first child naman ng komedyante sa current partner niyang si Lee O’Brian. Ipinanganak noong ika-18 ng Enero taong 2019 ang adorable little girl ni Pokwang.
Sulyapan ang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-4 Taong Kaarawan Ng Anak Ni Pokwang Na Si Malia
Source: Viral Pinas News





0 Comments