Parang kailan lamang ng isilang ng Kapamiya actress na si Anne Curtis ang panganay na anak nila ng asawa niyang si Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Amelie. At tunay ngang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang munting sanggol lamang noon na kanilang anak, ngayon nga ay isa ng 2-taong gulang na bibong bata.
Matatandaan na noong ika-2 ng Marso taong 2020 ng isilang ni Anne Curtis ang anak niyang si Dahlia Amelie sa bansang Australia, at sila’y nagbalik Pilipinas lamang noong malapit ng magdiwang ng kanyangika-1 taong kaarawan ang kanyang anak. Ito ay dahil sa kagustuhan nila na dito sa Pilipinas magdiwang ng unang taong gulang na kaarawan ang kanilang anak na si Baby Dahlia.
Samantala, mabilis na naman ngang lumipas ang isang taon, at nito nga lamang nakalipas na buwan na ika-2 ng Marso ay muli na naman ngang nagdiwang ng kaarawan si Baby Dahlia, kung saan ay tumuntong na nga siya sa edad na dalawa.
Makikita sa Instagram account ni Anne ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon nila ng ika-2 taong gulang na kaarawan ng napaka-cute niyang anak. Doble nga ang selebrasyon na naganap, dahil kasabay nga ng kaarawan ni Baby Dahlia ay ang dedication din niya, kaya naman talagang napakaganda at napakasaya ng naging pagdiriwang nila na ito. Makikita rin na naka-outfit ng all-white ang mag-asawang Anne at Erwan at ang birthday girl na si Dahlia.
Ipinahayag naman ni Anne sa caption niya na nawa’y patuloy na gabayan ng Panginoong Diyos ang kanyang anak na si Dahlia hanggang sa paglaki nga nito. “Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amelie and welcomed here to the Christian World. We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up. On t’aime tellement notre petite fleur”, saad ni Anne sa kanyang caption.
Kaagad namang bumuhos ang maraming pagbati para sa kaarawan ni Baby Dahlia mula sa mga kaibigan ni Anne sa industriya ng showbiz. Ilan nga sa mga nagpaabot ng pagbati ay sina Maxene Magalona at Angel Locsin. “Happy birthday Dahlia”, ang naging pagbati ni Angel Locsin.
“Oh, how precious, Happy birthday baby darling Dahlia”, pagbati naman ni Maxene Magalona.
Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram na kuha sa naging pagdiriwang ng kaarawan at dedication ng anak niyang si Baby Dahlia, ay mapapansin ang napakagandang mga dekorasyon sa isang outdoor celebration. Ang nasa likod nga sa magandang set-up na ito sa kaarawan ni Baby Dahlia ay ang sikat at mahusay na floral at events designer na si Gideon Hermosa.
Sulyapan ang Napakaganda At Napakasayang Pagdiriwang Ng Dedication At 2nd Birthday Ni Baby Dahlia
Source: Viral Pinas News






0 Comments