Kapamilya Actress na Si Dimples Romana, masayang ipinakilala sa publiko ang bagong miyembro ng pamilya Ahmee, at ito ay wala ngang iba kundi ang 3rd baby niyang si Baby Elio.
Sa halos siyam na buwan ngang paghihintay, nito nga lamang ika-24 ng Hunyo 2022, ay masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa kanyang Instagram account na siya nga ay ‘mother of three’ na, sapagkat kanya ngang ligtas at matagumpay na naisilang ang baby number 3 nila ng mister niyang si Boyet Ahmee.
Nito nga lamang nakaraang araw ng Biyernes, ay makikita sa Instagram ni Dimples ang kanyang naging pagbabahagi ng larawan kung saan siya nga ay nakahiga sa isang hospital bed. Nakangiti ang aktres sa naturang larawan, at sa tabi nga niya ay mapapansin ang mala-anghel sa kakyutan na sanggol at ito nga ay walang iba kundi ang kasisilang lamang na si baby Elio.
“I spy with my little eye. Hi, Elio. SURPRISE. I guess it’s going to be a good good weekend for the fahmeely”, kalakip na caption sa nasabing larawan.Si Dimples Romana ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz, at maliban sa pagbuhos ng napakaraming oportunidad sa kanyang karera, noon ngang nakaraang taon ay natanggap niya at ng kanyang pamilya ang isang napakagandang biyaya, ito ay walang iba kundi ang naging pagbubuntis niya sa panibagong miyembro nga ng pamilya nila.
Marami naman ang talagang nasiyahan ng isapubliko ni Dimples at ng kanyang asawa niyang si Boyet Ahmee ang tungkol sa kanyang pagbubuntis noong lamanng nakaraang buwan ng Marso. At ngayon nga na ang kanilang ika-3 rd baby ay isinilang na ay marami ang kaagad na na-excite para sa mag-asawa at agad na bumuhos ang napakaraming suporta at pag-welcome nga kay baby Elio.
Ilan nga sa mga makikitang nagbigay komento sa post Dimples sa kanyang Instagram noong ika-24 ng Hunyo ay sina Charlie Dizon, Kitkat, Ann Curtis, Bianca Gonzales-Intal, Danica Sotto-Pingris, Hackylou Blanco at marami pa ngang iba.
“ELIOOOOOOO. Congrats ate and Papa @papaboyetonline”, ang naging komento ni Charlie Dizon, isa sa mga malapit na aktres kay Dimples na naging co-star niya sa Viral Scandal.
“Congrats mars! Mwah! Luvsyah”, ang komento naman ng comedian-actress na si Kitkat na inaasahan ring isisilang ang panganay niyang anak ngayong taon.
Maliban nga kay Baby Elio ay may dalawa pang anak ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee, ito ay ang panganay nilang si Callie na 18-taong gulang na at kasalukuyang nag-aaral ng pagka-piloto s aibang bansa, at ang ikalawang anak naman nila ay si Alonzo na nasa edad 7-taong gulang na.
Dimples Romana Isinilang Na Ang Ika-3rd Baby Ng Kanyang Mister Na Si Boyet Ahmee
Source: Viral Pinas News






0 Comments