Usap-usapan ngayon kung magkakaroon nga ba ng proyekt sina Liza Soberano at James Reid, ito nga ay matapos na ma-spottan na magkasama sa Los Angeles ang dalawang kilalang personalidad sa showbiz.
Sa kasalukuyan ay nakabalik na ang aktor na si James Reid sa Los Angeles, California ito nga ay matapos na magbakasyon ng aktor sa Pilipinas kung saan siya nagdiwang ng kanyang kaarawan. Sa pagbabalik nga ni James sa LA ay kanya namang naka-jamming ang kanyang mga kaibigan sa nasabing bansa, at dito din ay na-spottan na kasama nga ng aktor ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.
Hindi pa naman malinaw kung bakit nga magkasama sina James at Liza sa nasabing bansa, ngunit makikita naman sa ilang mga lumabas na larawan na parehong enjoy ang dalawa kasama ang kanilang mga kaibigan na nag-welcomed sa kanila.
Makikita sa social media ang naging pagbabahagi ni Marisa Pizzaro ng group photo kung saan masisilayan na kasama nga nito ang ilan sa mga kaibigan niya at naroroon sina Liza at James. Kalakip ng naturang larawan ay ang caption na;
“Welcome back @james @lizasoberano”, ang saad nga sa caption.Sa Instagram stories naman ng 24-taong gulang na aktres na si Liza ay makikita ang naging pag-repost niya ng naturang larawan na ibinahagi nga ni Marisa Pizzaro.Samantala, sa isa pa ngang Instagram story ay makikita naman sina Liza at James na nakipag-hang out sa iba pa nilang mga kaibigan at ang larawan nga na ito ay ibinahagi naman ng kinilalang si Ri Norton.
Maliban pa sa mga larawan nga na ito ng dalawa, ay namataan din sina Liza at James na magkasama sa panonood ng football match sa Los Angeles Football Club – LAFC Experience Center kung saan ay kasama nila ang Grammy-nominated music producer na si Chris “Flict” Aparri.”
Matatandaan na buwan Pebrero ng kasalukuyang taon ng lumipad patungong LA ang aktor na si James Reid, ito ay dahil sa nasabing bansa nga ipu-pursue nito ang kanyang karera sa international music scene, samantala si Liza Soberano naman ay ipinagdiwang kamakailan lamang ang kanyang ika-24 taong kaarawan sa bansang California kasama ang kanyang ka loveteam at real-life partner na si Enrique Gil.
Ayon naman sa lumabas na ulat, kaya hindi kasama ni Liza si Enrique sa kanyang LA trip, ay dahil sa ang aktor ay abala sa European tour nito kasama ang kanyang pamilya.
Hanggang sa kasalukuyan naman ay hindi pa nga malinaw kung bakit magkasama sina James at Liza sa LA, ngunit marami na ngang lumabas na ulat, na ito nga umano ay dahil magsasama ang dalawa sa proyekto. May ulat pa na lumabas na si James na nga umano ang bagong manager ni Liza, dahil sa nais na din umano ng aktres na i-pursue ang international career niya.
Liza Soberano At James Reid Na Spottan Na Magkasama Sa Ibang Bansa
Source: Viral Pinas News





0 Comments