Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Phoemela Baranda Ibinahagi Ang Kanyang Pagbubuntis Sa Edad Na 40 Taong Gulang

“Life Begins”, ang naging paglalarawan ng model-tv host na si Phoemela Baranda, sa nararamdaman niyang kaligayahan at pagkamangha sa naging pagbubuntis niya sa ikalawa niyang anak ngayong siya’y 40-taong gulang na.

Isinapubliko ni Phoemla ang kanyang pagbubuntis sa publiko, nito lamang ika-18 ng Nobyembre, kung saan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang larawan niya na kita ang maumbok na niyang baby bump.

Ang sanggol na ito na ipinagbubuntis ni Phoemela, ay ang pangalawa na niyang anak. Ngunit unang anak naman nila ito ng kanyang boyfriend ngayon na si Jason Choachuy, isang professional car racer-businessman.

Sa naging panayam sa model-tv host ng Preview, ay inamin nito, na plinano nila ng kanyang kasintahan ang kanyang pagbubuntis. Ito ay dahil sa kagustuhan na rin niyang muling magka-anak, matapos ang dalawang dekada na, mula ng magsilang siya sa una niyang anak na si Kim Nichole Baranda, at dahil din sa gusto ng magkaroon ng anak ng kanyang partner na si Jason.

“I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well – it’s his first.” Saad ni Phoemela.Kwento pa nga ni Phoemela sa Preview, ay talagang kinasasabikan niya ang panibagong yugto na naman na ito ng kanyang buhay, lalo na’t matagal na niyang naranasan ang ganitong pakiramdam.
“To be honest, I have some anx*eties. It has been years since my last pregnancy, but I’m more excited to enter this new chapter.”

“This time the only difference is that I’m more mentality prepared but [I feel the] same amount of excitement and love specially that my partner and Kim are beside me for support.”
Base kay Phoemela, masasabi niya ngayon na mas “mentally prepared” na siya sa pagiging isang ina, kumpara sa naging pagbubuntis niya noon sa kanyang panganay na anak. Ngunit pagdating naman sa nararamdamang “excitement” ay talagang walang pinagka-iba.

Samantala, nakapanayam rin ng Preview sa parehong araw, ang panganay na anak ni Phoemela na si Kim, kung saan ay ibinahagi nito masaya siya para sa kanyang mommy, at “excited” na rin siya sa pagsilang ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“I know a lot of things are going to change, but I’m happy for my mom because this is such a big blessing for us to have an addition to our family since it’s always been the two of us”, saad ni Kim.
Dagdag pa ni Kim, kahit may paparating ng bagong baby ang kanyang ina, ay alam niya na “forever baby” pa rin siya nito. Bumuhos naman ang “congratulatory message” kay Phoemela, mula sa mga kaibigan nita sa industriya.



Phoemela Baranda Ibinahagi Ang Kanyang Pagbubuntis Sa Edad Na 40 Taong Gulang
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments