Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Zues Collins May Mensahe Sa Kanyang Fiancée Ngayon Na Si Myka Pauline Renondo

Engaged na sa kanyang girlfriend na si Myka Pauline Renondo ang Filipino dancer, singer, actor at model na si Zues Collins. Ang engagement nga ng magkasintahan ay naganap noong araw ng Linggo, ika-22 ng Mayo, sa mismong kaganapan ng Star Magic All-Star Games.

Matapos ang kanilang engagement, ay nagbahagi si Zues sa kanyag Instagram account ng mensahe para sa kanyang fiancée na si Myka Pauline, at kalakip nga ng mensahe niyang ito ay ang ilang mga larawan na kuha sa naging pag-propose niya sa nobya.

Sa isang larawan nga na ibinahagi ni Zeus ay makikita ang naging pagluhod niya sa harapan ng kanyang nobyang si Myka sa harap ng maraming mga tao sa Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan nga ginaganap ang Star Magic All-Star Games.

“Hindi ako nakapaglaro ng maayos sa basketball kasi sobrang kinakabahan ako para dito. ‘Yung tipong ‘di pa nag-start ang game putang-putla na ako”, ang naging saad nga ni Zeus.
Dagdag pa niya, “Pero ito na nangyari na nga ang pinapangarap at pinagdarasal ko na mahanap na ang makakasama ko habang buhay.”

Ayon pa kay Zeus, tunay na labis na kasiyahan ang kanyang naramdaman ng hindi siya biguin ng nobya at sagutiin nga nito ng ‘YES’ ang kanyang marriage proposal para rito. Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal para kay Pauline at ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa pagbibigay nito sa kanya ng isang mabuting kasintahan na malapit na nga niyag maging asawa.

“Sobrang saya ko at nag-YES ka. Mahal na mahal kita MYKA PAULINE REDONDO. Thank you Lord kasi siya binigay mo sa akin. Iingatan kita at mamahalin ng sobra gaya ng pagmamahal ni Lord sa atin.”
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Zues sa kanyang mga kasamahan at katrabaho sa It’s Showtime, kagaya na lamang nina Vice Ganda at iba pa nga, dahil sa ang mga ito nga umano ang tumulong sa kanya upang maging successful ang isinagawa niyang surprise proposal kay Pauline sa kalagitnaan ng All-Star Games.

“Siyempre di ko naman magagawa ‘to mag-isa kung wala ang mga kasabwat. Thank you @praybeytbenjamin at Team Showtime sa malupit na plano kahit masakit talaga ang bagsak ko. At Ronnie (Alonte) pumayag na gawin kahit 2 fouls ang kailangan. Thank you din kuya @rycrafael! Mahal ko kayo at ‘di ko malilimutan ‘to”, ang naging saad nga ni Zues.

Sa huling bahagi ng Instagram post ni Zeus ay isa ngang napakatamis na mensahe ang iniwan niya para sa kanyang fiancée na si Pauline.“My love Pauline marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan pero kasama natin palagi si Lord at malalagpasan natin ang lahat. I love you so much.”
Bumuhos naman ang napakaraming mensahe ng ‘congratulations’ para sa newly engaged couple.



Zues Collins May Mensahe Sa Kanyang Fiancée Ngayon Na Si Myka Pauline Renondo
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments