Masayang ibinahagi ng 31-taong gulang na aktres na si Andi Eigenmann na sa wakas ay makakapagbakasyon na sila ng kanyang pamilya sa ibang bansa, matapos nga ang halos ilang taon nilang pananatili sa isla ng Siargao at pabalik-balik lang sa Maynila.
Tulad ng iba, noon pa man ay pangarap na ng aktres na si Andi Eigenmann ang makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak at ang fiancée niyang si Philmar Alipayo. Kaya naman ngayon nga na ito ay nabigyan na ng katuparn, ay bakas naman talaga sa aktres ang kanyang kasiyahan.
Sa Instagram account ni Andi ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng ilang larawan nilang magpamilya, habang sila ay nasa layover sa Singapore airport.
“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherish-able memories than to travel the world with my family. We were finally able to do it!”, unang saad ni Andi sa caption ng larawan.
Dagdag na saad pa ng aktres “With the crisis, money saving, (and even the kids getting sick and us having to push back our entire trip to give them time to get better), it sure feels so much sweeter to finally be here! For our first #HappyIslandFam vacation, we decided to go to Bali, Indonesia!”
Ayon nga kay Andi, ito ang kauna-unahang international trip nilang magpamilya, at ang napili nga nilang puntahan na bansa para makapagbakasyon at makapag-enjoy sila ay sa Bali, Indonesia.
Kilala ang Bali, bilang isa sa mga tourist destination sa bansang Indonesia, at marami naman talaga ang nangangarap na makarating sa nasabing bansa.
Ipinangako rin ng aktres sa marami niyang mga tagasubaybay na ngayong darating na weekend ay kanya ngang ibabahagi ang kabuuan ng latest adventure na ito ng kanyang pamilya, sa kanila ngang YouTube channel na ‘Happy Islander.’
Samantala, sa ilang mga larawan nga na ipinasilip ni Andi ay masisilayan nga ang kasiyahan sa kanya, at sa buo niyang pamilya dahil sa magiging masaya at memorable nga para sa kanila ang bakasyon nila na ito.
Sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ay na-engaged noong buwan ng Disyembre taong 2020. Sa kasalukuyan din ay naninirahan sa isla ng Siargao ang mag-fiancee, kasama ang kanilang mga anak na si Lilo at Koa. Kasama rin nga nina Andi at Philmar sa isla ang panganay na anak ni Andi na si Ellie, na ang ama ay ang datig boyfriend nitong si Jake Ejercito.
Andi Eigenmann Lumipad Patungong Bali Indonesia Kasama Ang Pamilya Para Magbakasyon
Source: Viral Pinas News






0 Comments