Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Celebrity Couple Na Sina Catriona Gray At Sam Milby Ipinasilip Ang Kanilang Naging Camping Trip

Talaga namang nakakapagod ang trabaho ng mga artista, dahil sa taping dito, taping doon, kung saan madalas nga ay halos wala na talaga silang sapat na pahinga, lalo pa kapag sunod-sunod ang mga proyekto na kanilang natatanggap. At sa pagtatrabaho nga nila ng bongga, ay batid natin na deserve din nila ang magkaroon ng isang nakaka-relaks na bakasyon, pagkatapos nga ng kanilang naging busy schedule.

Ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby ay talaga namang parehong abala sa kanilang trabaho, ngunit nito nga lamang nakaraan ay tila nagkaroon ng oras ang magkasintahan na sandalling makapag-relaks at magkaroon ng quality time sa isa’t isa.

Sa ibinahagi ngang larawan ni Catriona sa kanyang Instagram account noong araw ng Martes, ika-21 ng Hunyo ay masisilayan ang isang lugar na may nakakarelaks na tanawin, kung saan ito nga umano ay sa isang site sa Calamba, Laguna kung saan sila nag-camping trip ng nobyo niyang si Sam Milby kasama ang kanilang dalawang alagang aso na sina Theo at Bailey.

“Went camping. Although pretty sure the puppies thought it was a vacation for them”, saad nga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa caption ng kanyang IG post.
Makikita naman talaga sa ilang mga larawan na ibinahagi ni Catriona na sila ay nakapag-relaks sa naging camping trip nila na ito. Tila din hindi lamang sila ng nobyo niyang aktor na si Sam Milby ang nag-enjoy sa naging camp trip nilang ito kundi maging ang dalawa nga nilang alagang aso na kasama nila.

Sa mga nagdaang mga buwan nga ay mas naging bukas ang magkasintahang sina Catriona at Sam sa mga sweet adventure nilang magkasintahan, kung saan ay makikita nga sa kanilang social media ang madalas na pagbabahagi nila ng mga sweet photos nila at maging mga travels nilang dalawa.

Matatandaan pa ng ana noong buwan ng Mayo ay naging laman ng balita ang celebrity couple matapos na lumabas online ang mga larawan nil ana kuha sa sweet moments ng sila nga ay magkasamang nagbakasyon sa bansang Canada.

Sina Catriona Gray at Sam Milby ay isa lamang sa mga celebrity couple sa mundo ng showbiz na sinusubaybayan ng marami. Sila din ay nabibilang sa mga couple na may malaking agwat ng edad sa isa’t isa, kung saan nasa 10-taon nga ang pagitan ng kanilang edad na magkasintahan, sapagkat si Catriona ay 28-taong gulang pa lamang samantalang nasa edad 38 na si Sam.



Celebrity Couple Na Sina Catriona Gray At Sam Milby Ipinasilip Ang Kanilang Naging Camping Trip
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments