Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mag-asawang Mikael Daez At Megan Young ’50 days’ Na Mawawalay Sa Isa’t Isa

Simula ng ikasal noong ika-25 ng Enero taong 2020 ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ay hindi pa nga nagkahiwalay ng matagal ang mag-asawa. Kaya naman ngayon lamang mangyayari na sila ay magkakaroon ng time apart.

Matatandaan pa nga noong taong 2020 ng mag-lock-in taping si Mikael para sa defunct Kapuso primetime series na Love of My Life ay kasama niya ang misis niyang si Megan Young, kung saan ito ang nagsilbi niyang personal assistant habang nasa lock-in taping.

Ngunit ngayon na nasa lock-in taping na naman nga si Mikael para sa kanyang proyektong Running Man Philippines, ang Philippine Adaptation ng GMA-7 sa sikat South Korean variety show ay halos dalawang buwan ng ana magtatagal sa lock-in taping ang aktor.
“Si Megan? Sino ‘yon?”, ang natatawang biro ni Mikael.

Kuwento ni Mikael, bago pa man ang lock-in taping niya para sa nasabing adaptation ng sikat na variety show ng South Korea ay nauna ng nag-solo travel ang misis niyang si Megan Young sa bansang New York. Ibinahagi din ng aktor, na noong mag-book ng travel ang misis niya, ay na-mis calculate nito kung kailan ang alis niya para sa lock-in taping kaya naman sa pagbalik nga nito mula sa solo travel ay hindi na sila magkikita sapagkat nasa lock-in taping na siya.

“Well, I have a funny story. Si Megan, noong binook niya ang trip niya, na-miscalculate niya kung kailan ako aalis.”Pagbalik niya sa Pilipinas, nakaalis na ako. So, sabi ko, ‘Hindi na tayo magkikita pagkaalis mo?’ Sabi niya Oh no kuwento ni Mikael.

Dagdag pa ng aktor, “Natawa na lang ako. Mas na-extend pa yung haba na hindi kami magkikita.”
Samantala, pagkatapos nga ng ilang araw ng pagkakawalay sa isa’t isa, ay aminado naman sina Mikael at Megan na miss na miss na nila ang isa’t isa, at ito ay base na rin sa kani-kanilang Instagram post. Sa IG post ni Mikael ay kanyang eksaktong nabilang na ’50 days’ silang magkakalayo ng misis niya habang sa IG naman ni Megan ay ibinahagi na nami-miss niya ang morning routine nilang mag-asawa.

Ayon naman kay Mikael ‘excited’ siya sa pagkakawalay nila na ito ng misis niyang si Megan, dahil batid niyang may maganda ding maidudulot sa kanilang mag-asawa pagkakalayo nilang ito sa isa’t isa, lalo na’t noong buong panahon nga ng krisis ay sila lamang mag-asawa ang halos magkasama.
“Sa totoo lang, I’m excited,” saad ni Mikael.

“Parang ang relationship namin, it’s always getting better when things are happening or naka-lockdown tayo for two and half years. “Itong experience na ito ay para sa akin at para rin sa kanya, it’s gonna be new and it’s gonna be fun.”



Mag-asawang Mikael Daez At Megan Young ’50 days’ Na Mawawalay Sa Isa’t Isa
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments