Tulad ng maraming mga ina, ang dating PBB Big Winner na si Melai Cantiveros ay walang ibang hangad kundi ang maibigay ang lahat ng mga bagay na magpapasaya sa kanyang mga anak, lalo na ang mga pangangailangan ng mga ito. Ito rin ang dahilan, kung bakit sila ng asawa niyang si Jayson Franciso ay patuloy na nagsusumikap.
Isa din sa mga nais ni Melai para sa kanyang mga anak, ay ang maranasan ng mga ito ang mga bagay na hindi niya naranasan noong siya ay bata pa, tulad na lamang nga ng pamamasyal sa mga magagandang lugar o di kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga maraming mga laruan o mga gamit.
Dahil nga sa magandang takbo ng karera ni Melai at ng mister niyang si Jason ay naging posible nga sa kanilang mag-asawa na maibigay ang lahat sa kanilang mga anak, kaya naman talagang labis nila itong ipinagpapasalamat sa Diyos.
Ngunit ayon kay Melai, habang ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela ay lumalaki ay hindi na masyadong nabibigyan ng pansin at atensyon ng mga ito ang kanilang laruan at gadgets. Paglalahad ng komedyanteng host, ito ay madalas na nangyayari kapag sila ay nagbabaksyon sa probinsya kung saan nakakasama ng kanyang mga anak ang mga pinsan ng mga ito. Ayon pa kay Melai, bata pa lamang kasi ay nasanay na rin ang dalawa niyang anak na makipaghalubilo sa ibang mga tao.
“nakikitira kami ng mga anak ko sa lolo namin, ancestral house. Ini-immersion ko sila doon. Iyong buhay ko noon, iyong ang pinapa-experience ko sa kanila ngayon”, kuwento ng Magandang Buhay host.
Suportado din ng mister ni Melai na si Jason ang ganitong klase na pagpapalaki sa kanilang dalawang anak, ito ay dahil lumaki din nga ito sa probinsya.
Saad pa ni Melai, napapansin din nila na malaki ang epekto ng gadget at laruan ngayon sa mga bata, kaya naman habang maaga pa ay sinasanay na nila ang kanilang mga anak sa iba’t ibang gawain o mga laro na pwedeng gawin sa loob at labas ng bahay.
Isa nga sa mga paraan nilang mag-asawa ay ang pagbigay quality time sa mga a
nak nilang sina Mela at Stela, kung saan sa kabila ng busy schedules nila ay naglalaan sila ng oras na magagawa nilang makipaglaro sa kanilang mga anak.
Ayon pa kay Melai ang isa sa pinakamahalaga din na itinuturo nila sa kanilang mga anak ngayon ay ang pananampalataya sa Diyos at mabuting pakikitungo sa kapwa.
Melai Cantiveros Ipinagmalalaki Na Hindi Napalaki Sa Luho ANg Kanyang Mga Anak
Source: Viral Pinas News





0 Comments