Agaw atensyon ngayon sa social media ang panganay na anak ng actress-dancer Regine Tolentino na si Reigen Maristela, ito ay dahil sa hindi maikakaila na namana nito sa kanyang ina, ang angkin niyang ganda, at taglay niyang kaseksihan.
Si Reigen Maristela, ay panganay sa tatlong anak ni Regine Tolentino.
Marami sa mga netizens ang nakapansin, ng potensyal ni Reigen na maging isang modelo, dahil sa taglay nitong tangkad, at ganda ng pangangatawan. Ang iba namang mga tagahanga ng ina nitong si Regine, ay inaantay ang dalaga na sundan ang yapak ng kanyang ina, at pasukin ang industriya ng showbiz.
Samantala, sa kabila ng maraming paghanga sa panganay na anak ni Regine na si Reigen, ay wala umano sa priyoridad ngayon ng dalaga ang pagpasok sa showbiz. Ito ay dahil sa abala ito na bigyang pokus ang kanyang pag-aaral, at matapos ito, kung saan ngayon ay nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo.
Hindi nga lang basta ganda at kaseksihan ang namana ni Reigen sa kanyang ina, dahil maging ang hilig at husay nito sa pagsasayaw ay namana rin ng dalaga.Maliban pa nga sa pagsasayaw, ay may itinatago ring talento si Reigen pagdating sa design at arts, kaya naman, sinasabi ng ilan na marahil ay ito ang magmana ng negosyo ng kanyang ina na “Regine Tolentino Atelier”, na ipinundar at itinayo ni Regine taong 1999.
Para naman sa actress-dancer Regine Tolentino, ay napakaswerte niya bilang in ani Reigen, ito ay dahil sa kabila ng maraming papuri na natatanggap nito mula sa ibang tao, at nananatili tong mapagkumbaba at simple.
Isa pa sa talagang ikinaka-proud niya sa anak, ay ang hindi nito pagiging maluho.
Si Regine Tolentino, ay isang aktibong host-actress sa industriya ng showbiz, siya rin ay tinaguriang Dance Diva dahil sa husay niya bilang isang mananayaw.
Sa ngayon ay bihira ng lumabas si Regine Tolentino sa telebisyon, ito ay dahil sa pagiging abala nito bilang isang ina, sa kanyang mga anak. Sa kabila naman ng pagkakaroon na ng tatlong anak ni Regine, ay hindi naman ito mahahalata, dahil hanggang ngayon ay napapanatili nito ang fit na fit at seksi niyang pangangatawan.
Anak Ni Regine Tolentino Na Si Reigen Maristela May Potensyal Na Maging Isang Modelo
Source: Viral Pinas News





0 Comments