Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bela Padilla Ipinakilala Ang Kanyang Ubod Na Gwapong Non-Showbiz Boyfriend

Si Bela Padilla ay isa sa mga aktres sa mundo ng showbiz na hinahangaan ang taglay na kagandahan. Maliban pa sa kanyang angking kagandahan ay taglay rin ng aktres ang magandang hubog ng katawan, at talento sa pagiging isang mahusay na aktres.

Dahil sa kanyang taglay na ganda, kaseksihan at talento, ay hindi na nga kataka-taka na mabighani sa kanya ang ilan sa mga gwapong aktor sa showbiz. May mga aktor nga na napabalitang naging karelasyon ng aktres.

Matatandaan na isa sa mga naging karelasyon ni Bela Padilla sa mundo ng showbiz, ay ang film producer na si Neil Arce. Ngunit hind inga nagtagal ang relasyon ng dalawa, at ito ay nauwi sa hiwalayan.

Si Neil Arce ngayon ay mayroon ng bagong pag-ibig, at ito nga ay sa katauhan ng aktres na si Angel Locsin, at ang dalawa nga ay engaged na.Minsan na ring na-link ang 29-taong gulang na aktres kay Zanjoe Marudo, ngunit sa kabila nga ng napag-uusapan na ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t isa, kailanman ay hindi naman nila inamin kung sila ba ay nagkaroon ng relasyong dalawa.

Halos ilang taon nga ring nanatiling ‘single’ si Bela Padilla, kaya naman marami ang nasiyahan ng isapubliko nito na siya ay nasa isang relasyon na ngayon.Kasabay ng pagsasapubliko niya na siya’y ‘in a relastiosnship’ na, ay ipinakilala na rin ni Bela sa publiko ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso.

Sa Instagram ng aktres noong ika-6 ng Oktubre, ay kanyang ibinahagi ang mga larawan niya na kuha sa naging bakasyon niya sa Cappadocia, Turkey. Dito na nga napansin ng mga tagahanga ng aktres, ang isang lalaking kasama nito sa mga larawan.

“The One I Met in St. Gallen”, ang naging caption ni Bela sa mga ibinahagi niyang larawan.
Kinilala naman ang lalaking kasama ni Bela sa nga larawan niya sa Turkey, na si Norman Ben Bay, at ito nga ay kanyang non-showbiz boyfriend na may lahing banyaga, at nakilala nga niya ito noong taong 2018 sa St. Gallen, Switzerland.

Tila nga nakilala ni Bela ang kanyang foreigner boyfriend na si Norman Ben Bay ng gawin niya ang pelikula niyang “Meet Me in St’ Gallen”, na ginawa nga sa nasabing bansa.
Kinilig naman ang mga tagahanga ng aktres, ng makita sa commebt section ang sweet conversation ng magkasintahan.

Mababasa nga na nagkomento si Norman sa mga larawan na ipinost ni Bela ng “Hi, Love.” “Mahal kita” na may kasama pang isang kiss emoji, ang isa pa ngang komento nito. Sa isang post naman ng aktres, ay ibinahagi niya kung gaano kaganda ang lugar ng Cappadocia, at sinabi rin niya na sobra siyang nag-enjoy sa naging pagababakasyon niya sa naturang lugar.

Makikita naman sa post na ito ni Bela ang pag-komento muli ni Norman na pinuri ang galing ni Bela sa pag-gawa ng mga captions. “You are truly professional, when it comes to captions.” Sinagot naman ito ni Bela ng; “You truly are professional, at making me smile.”



Bela Padilla Ipinakilala Ang Kanyang Ubod Na Gwapong Non-Showbiz Boyfriend
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments