Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Nag-Viral Na Dalaga Noon Sa ‘Pabebe Girl’ Video Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon

Natatandaan niyo pa ba si Michelle Alfonso? Siya ay ang isa sa dalawang batang babae na nag-viral noon at nakatikim ng panandaliang kasikatan dahil sa ginawa nilang “Pabebe Girls” video ng kanyang kaibigang si Janet Ricabo.

Matatandaan na buwan ng Hulyo taong 2015, ng pag-usapan nga ng marami ang kanilang ginawang video.At dahil nga sa naging viral talaga ang kanilang “Pabebe Girls” video, ay maging ilang mga celebrities ay nag-impersonate at gumawa na rin ng parody nito. Kabilang na nga sa mga ito sina, Kim Chui, Alex Gonzaga, Maine Mendoza at Wally Bayola.

Nagkaroon ng pagkakataon si Michelle at ang kanyang kaibigang si Janey Ricabo na makatikim ng maikling kasikatan at popularidad magmula ng magviral ang kanilang “Pabebe Girls” video. Nagig guest sila sa ilang mga programa sa telebisyon.

Kabilang sa mga TV show kung saan naging guest si Michelle at ang kanyang kaibigan ay sa popular na show ng GMA-7 na”Kapuso Mo Jessica Soho” at sa iba pa ngang mga show, tulad ng “Rated K”, “ASAP”, “Clebrity Bluff”, “Tunay na Buhay” at “Gandang Gabi Vice”.

Kung babalikan nga natin ang naging pag-viral noon ni Michelle, ay isa sa mga talagang napansin sa kanya ng publiko, ay ang hindi niya pagkakaroon ng kilay. Ito rin ang naging dahilan upang siya’y makaranas ng pangungutya mula sa ibang tao, at maging biktima nga ng mga bashers.
Hindi naman nagtagal ay unti-unti ring nawala ang kasikatan ng Pabebe girls.

Samantala, muli naman nasilayan si Michelle Alfonso sa telebisyon makalipas ang limang taon, ito nga ay noong ika-14 ng Nobyebre taong 2020. Naging isa kasi siya sa mga pagpipilian ng celebrity guest ng segment na Bawal Judgementa ng Eat Bulaga.

Hindi naman agad nakilala ng publiko si Michelle ng pagkakataong iyon, ito ay dahil sa mas dalaga na ito ngayon, kumpara noong panahon na mag viral ang video nito na Pabebe Girls. Isa rin sa mga nagbago sa dalaga, kaya hindi siya agad nakilala, ay dahil sa pagkakaroon na nito ng makapal na kilay.

Sinabi naman ni Michelle sa naging panayam sa kanya sa Bawal Judgementa segment na hanggang ngayon ay manipis pa rin ang kanyang kilay, ngunit dahil sa marunong na siya mag-ayos ng kanyang sarili, ay nagagawa na niya itong pakapalin gamit ang eyebrow pencil.
“Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin’, ani Michelle.

Dagdag pa nga ng dalaga, noon pa mang 11-taong gulang siya ng maging viral ang Pabebe Girls nila ng kaibigan ay pangarap na niya talaga ang maging isang artista, at hanggang ngayon nga ay pangarap pa rin niya ito. Ibinahagi rin ni Michelle na nagpaplano siya na gumawa ng kanyang sariling YouTube channel, at umaasa siya na ito’y tatangkilin tulad ng naging pagtangkilik ng mga tao sa Pabebe Girls.



Nag-Viral Na Dalaga Noon Sa ‘Pabebe Girl’ Video Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments