Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kapamilya Actress Kathryn Bernardo Hindi Maitago Ang Kasiyahan Ng Ipasilip Ang Ipinapatayong Dream House Para Sa Pamilya

Ang Kapamilya actress-vlogger na si Kathryn Bernardo ay isa sa mga pinakamatagumpay na artista ngayon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.
Matatandaan na bata pa lamang ng magsimulang pasukin ni Kathryn ang mundo ng showbiz. At sa ilang taon nga niya sa industriya ng showbiz ay ipinamalas niya ang kanyang pagsusumikap na maging isang mahusay na artitsa, ito ay hindi lamang para sa kasikatan kundi para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Hindi naman maikakaila na sa tinatamasang tagumpay ngayon ni Kathryn sa kanyang karera, ay marami na nga sa kanyang mga pangarap sa buhay ang kanyang nakamtan. Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay isa na naman sa mga pinapapangarap niya ang ngayon ay unti-unti na niyang binibgyan ng katuparan at ito nga ay ang pagpapatayo ng kanyang dream house na para sa kanyang pamilya.

Sa latest post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ay sinisimulan na nga ang konstraksyon ng kanyang dream house. Makikita sa larawang ibinahagi ni Kathryn na kasama niya ang kanyang ina nasi Mommy Min at pamangkin na si Lexie ng bisitahin nila ang site kung saan ipinapatayo nga ang pangarap niyang tahanan para sa pamilya niya.

“Slowly getting there, I can’t believe its finally happening”, ang naging saad ni Kathryn sa kanyang IG post.
Bakas naman sa mukha at ngiti ni Kath ang hindi matawaran niyang kasiyahan ngayon na nakikita na niya na matutupad na ang isa na naman sa kanyang pinapangarap.
Maging ang ina ng aktres na si Mommy Min ay hindi rin napigilan na ihayag ang kanyang kasiyahan at excitement sa tuloy na tuloy na ngang katuparan ng pangarap ng kanyang anak.

“Yes anak, it’s finally happening …. Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby step as when you add up these little steps we take toward our goal.”, ang caption ni Mommy Pinsa kanyang naging post. Matatandaan naman na noon sa isang naging panayam sa Kapamilya actress ay ibinahagi nito na kaya siya nagsusumikap at patuloy na kumakayod ay upang maipagawa niya ang dream house na pinapangarap niya para sa kanyang pamilya.

Saad pa ni Kath, ang ang pinaka prayoridad niya sa ngayon ay ang matapos na ang pangarap niyang dream house.
“My number one priority is basicallt to finish our house… So, hopefully mag-start na ang construction. Kayod pa”, pahayag ni Kath.
Dagdag pa niya, “Siyempre, kung may gusto akong ibigay sa kay Mama na house na niya…. So magtatrabaho pa ako…. Gusto ko kasi pag nagtapatayo ng dream house ‘yung gusto na namin, yung nae-envision ni Mama, kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family.”


Post a Comment

0 Comments