Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang Netizens Nagtapos Ng Kolehiyo Dahil Sa Pagsusumikap Ng Kanyang Kasintahang Konduktor

Umantig sa marami ang kuwento ng isang netizens, na nagtapos ng pag-aara sa kolehiyo dahil sa tulong at naging pagsusumikap ng kanyang nobyo.
Ang nakakaantig na kuwento ngang ito ay ang naging pagtatapos ng netizens na si Sincer Mae Balili, na nagtapos nga sa kursong Bachelor in Science and Business Administration.

Ibinahagi ni Mae kamakailan lamang sa social media ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos at ang kuwento nga sa likod nito. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang dalawang taon na niyang nobyo na si Eldirberto ‘Bert’ Tanghap Andil sa pamamagitan nga ng pagtatrabaho nito bilang isang konduktor.
Ayon sa naging paglalahad ni Mae, noon nga umano ay dumating siya sa punto na nais na niyang sumuko sa kanyang pag-aaral, ito nga ay dahil sa kakapusan ng pera na magiging pangtustos sa kanyang pag-aaral.

Ngunit para nga hindi siya matigil sa kanyang pag-aaral, at gumawa ng paraan ang kanyang kasintahang si Bert. Kuwento ni Mae, mas nagsumikap ang kanyang kasintahan sa pagtatrabaho nito bilang isang konduktor sa Rural Transit Mindanao, Inc para lamang hindi siya matigil sa kanyang pag-aaral at matustusan siya nito. Labis ang pasasalamat ni Mae sa naging pagsasakripisyo na ito ng kasintahan niyang si Bert.

Dagdag na saad pa niya, nagpapasalamat rin siya sa kumpanya kung saan nagtatrabao ang kanyang nobyo dahil sa hindi na nga siya nito sinisingil ng pamasahe pag papunta siya sa kanyang eskwelahan. Kabawasan nga sa kanyang gastusin ang pamasahe niya, kung kaya naman ang pera na imbis ay kanyang pamasahe ay naiipon niya at naidadagdag niya sa iba pang mga gastusin niya sa pag-aaral.

Samantala, nang araw nga ng pagtatapos ni Mae, ay may trabaho ang nobyo niyang si Bert kaya naman inakala niya na hindi na ito makakadalo sa kanyang ‘graduation’. Ngunit ang katrabaho ni Bert ay gumawa ng paraan upang magkita ang dalawa sa mahalagang araw na iyon, dahil maituturing ngang mahalagang okasyon ang pagtatapos ni Mae para sa magkasintahan.

Nagbahagi naman si Mae ng mensahe para sa kanyang kasintahang si Bert na nagsasabi nga kung gaano siya ka-proud sa pagiging very supportive nito.
“Proud kaayo ako sa iyong full support saakung pag eskwela. Mao na bhalag sili siya makaapil nay way japon ug salaman kaayo kay timing kaayo ang orasan nila. (Sobrang proud ako sa kanya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat pa din dahil tugma pa din yung oras namin”, ang naging saad ni Mae.

Dagdag pa niya, “Mula noon siya na ang gumapang sa pag-aaral ko, alam kong maliit ang sahod niya pero tulong-tulong kaming dalawa.”
Naging kahanga-hanga para sa marami ang kuwento ng magkasintahan. Dahil naman sa kanilang nakakaantig na kuwento ay isang full scholarship ng It Tribal School ang ibinigay kay Bert, kaya naman ngayong taon nga ay papasok na siya bilang Grade 11 sa ilalim ng strand na Humanities and Social Sciences o HUMSS.
Tunay naman na ang relasyon na mayroon sina Mae at Bert ay kahanga-hanga, dahil sa pinatunayan nila na hindi lamang kasiyahan ang kanilang pagsasaluhan, kundi maging sa kagipitan at handa silang magtulungan at magdamayan.


Post a Comment

0 Comments