Dalaga na ang panganay na anak ni Claudine Barretto na si Sabina Natasha. At kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng dating ang sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha sa naging double party celebration nila ng pamilya. Maliban kasi kay Sabina, ay isa pa sa sa anak ng aktres ang nagdiwang din ngkaarawan nito at ito ay si Quia.
Ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina ay tila nga naman hinahangaan rin ang K-Pop boyband ng Korea na BTS, dahil masisilayan sa mga larawan na ibinahagi ng dating aktres na ang naging tema ng selebrasyon ng ika-17 kaarawan ng kanyang panganay na anak ay temang Bangtan Boys o kilala nga bilang BTS
Dahil certified color ng BTS fans ang kulay ‘violet’ ay ito nga ang makikitang kulay ng mga dekorasyon sa kaarawan ni Sabina.
Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Claudine na labis na nag-enjoy ang kanyang anak sa naging pagdiriwang ng kaarawan nito. Kitang-kita nga kung gaano kasaya si Sabina sa kanyang ika-17 taong kaarawan, dahil maliban nga sa paborito niya ang naging tema nito ay nakasama rin niya sa espesyal na araw ang malalapit niyang kaibigan at mga mahal niya sa buhay.
Isa naman sa mga naging panauhin ni Sabina sa kanyang kaarawan na espesyal sa dalaga ay ang kanyang boyfriend, na ng araw ding iyon ay pormal na ipinakilala ni Claudine sa lahat ang kasintahan ng anak.
Sa isang larawan kasi na ibinahagi ni Claudine ay makikita na may isang maputi at nakasalamin na lalaki ang nakaakbay kay Sabina, at inakala nga ng netizens na ang naturang binata ay ang ikalawang anak ng dating aktres, na si Santino. Ngunit sa isang replied post ni Claudine sa isang nagkomento na netizens, ay sinabi niya na ang binatang nakaakbay kay Sabina ay ang nobyo ng anak niyang dalaga.
“That’s NOT SANTINO. That’s Raffy, Sab’s boyfriend. Saint doesn’t want his picture taken”, ang naging saad ni Claudine. Masasabi ngang suportado ni Claudine ang pagkakaroon na ng kasintahan ng kanyang anak na dalaga.
Samantala, maliban nga kay Sabina, ay nagdiwang din ng kaarawan ang ikatlong anak ni Claudine na si Quia sa edad na 6. Ang naging tema naman ng pagdiriwang ng kaarawan nito ay ‘under the sea theme’ na mismong idinaos sa tabi ng isang swimming pool. Bakas naman sa mukha ni Quia, ang kanyang kasiyahan sa naging masayang pagdiriwang ng kaarawan nila ng kanyang ate Sabina.
Matatandaan na ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina ay ang pinaka-unang bata na in-adopt ng dating aktres. At maliban kay Sabina, ay mayroon pa ngang iba pang adopted child si Claudine, ito nga ay sina Quia at Noah. May nag-iisang biological na anak naman si Claudine sa kanyang dating asawang si Raymart Santiago, at ito nga ay ang anak nilang si Santino.






0 Comments