Usap-usapan ngayon ang aktor na si Albert Martinez, dahil sa muli umanong pagpasok nito sa relasyon matapos nga ang ilang taon na rin niyang pagiging balo. Bali-balita kasi ngayon na karelasyon umano ng aktor ang napakagandang Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Marami nga sa mga malalapit na kaibigan at katrabaho ni Albert Martinez ang nagbigay saloobin patungkol sa balitang ito sa buhay pag-ibig ng aktor, kabilang na nga rito ay si Manay Lolit.
Ayon sa batikang kolumnista, walang masama sa pagkakaroon ng relasyon ni Albert sa aktres na si Faith Da Silva, ito ay sa kabila nga ng pagkakaroon ng 40-years na age gap na dalawa. Parehas naman kasing ‘single’ sina Albert at Faith, kaya naman palagay niya ay karapatan ng mga ito na maging masaya kung pag-ibig nga ang umiiral sa kanila sa isa’t isa.
Dagdag pa ni Manay Lolit matagal ng balo si Albert at nasa tamang edad na rin naman ang Kapuso actress na si Faith.
“Kung sakali maganda ngang team up dahil atleast bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay”, unang pahayag ni Manang Lolit.
Dagdag pa niya, “At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo pa rin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”
Saad pa nga ng batikang kolumnista, kung sakali man na magkaroon ng bagong makakasama si Albert Martinez sa buhay nito, marahil ay matatanggap naman ito ng mga anak ng aktor, dahil batid naman natin na napakalungkot nga naman ng mag-isa.
Naibahagi rin niya na ang ‘love affair’ nina Albert at Faith, ay nagsimula sa lock in taping ng sarye kung saan magkatrabaho ang dalawa sa GMA 7 na may titulong Las Hermanas.
Matatandaan naman na naunang lumabas ang balitang ito ng ma-blind item ito sa Take It.. Per Minute, kung saan ibinuking ni Manay Lolit sa programa nina Cristy Fermins and Mr. Fu ang ugnayan nga ngayon nina Albert at Faith.
Tila naman wala naman talagang problema kung may relasyon man si Albert Martinez at Faith Da Silva, dahil nauuso na nga ngayon ang May-December affair.






0 Comments