Tanong ng maraming netizens ngayon kung tapos na nga ba ang relasyon ng magkasintahang sina LJ Reyes at Paolo Contis?
Talaga namang naging isang malaking katanungan ngayon para sa maraming mga tagahanga nina LJ at Paolo kung maayos pa rin ba ang pagsasama ng dalawa. Ito nga ay matapos na mapansin ng marami, na naging Zero na ang “Following” ni Paolo Contis sa kanyang Instagram account.
Nangangahulugan kasi ito na in-unfollow na niya ang lahat ng mga pina-follow niya sa kanyang IG account at kabilang na nga rito ang kanyang karelasyon na si LJ Reyes.
Naging kapansin-pansin rin kasi na burado na sa IG account ng aktor ang lahat ng larawan nil ani LJ, ngunit makikita pa naman ang mmga larawan niya kasama ang kanilang anak na si Summer
Samantala, kung bibisitahin naman ang Instagram account ng aktres na si LJ Reyes ay wala namang pagbabago, dahil naka-follow pa rin ito kay Paolo at makikita pa rin ang mga larawan ng aktor sa kanyang IG account.
Marami naman ang nagtanong kay LJ sa kanyang huling post sa IG kung ano ang nangyari sa kanila ni Paolo, at bakit nga burado na ang mga larawan niya sa account nito. Wala namang anumang kasagutan si LJ sa lahat ng mga nagtanong sa kanya.
Matatandaan na noon lamang ika-14 ng buwan ng Hulyo ay nagbahagi pa ng kanyang mensahe ng pagmamahal si Paolo Contis para sa karelasyon niyang si LJ at sa anak nilang si Summer at maging kay Aki, na anak ng aktres sa dating nobyo na si Paolo Avelino. Kalakip pa nga ng mensahe ni Paolo ay ang family photo nila na kuha noong sila ay nagbyahe sa ibang bansa. Ibinahagi nga ito ng aktor sa kanyang IG nu’ng siya ay nasa lock-in taping pa para sa proyekto niyang ‘I Left My Heart in Sorsogon.”
“Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us! “Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka!”
“I want you to know how much I appreciate and love you! Can’t wait to go home again and be with you! “Please know that I’m always missing and thinking of you”, ang naging mensahe nga ni Paolo sa kanyang IG account noon lamang nakaraang linggo, ngunit ngayon nga ay burado na ito.
Ayon naman sa naging ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sila ay nagpadala ng mensahe kay Paolo sa Instagram nito upang tukuyin nga kung ano ang naging tunay na dahilan ng pagkabura ng mga larawan ni LJ sa kanyang account at ng naging pag-unfollow niya rito.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng PEP.ph ang magiging kasagutan ni Paolo, upang mabigyan ng linaw ang mga namumuong espekulasyon sa isipan ng maraming netizens.




0 Comments