Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mag-asawang Gary Valenciano At Angeli Pangilinan Ibinahagi Ang Kwento Ng Kanilang Pag-iibigan Sa Pagdiriwang Ng Ika-37 Taong Anibersaryo

Nito lamang ika-6 ng Agosto masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ang ika-37 taong anibersaryo bilang mag-asawa. Ikinasal ang mag-asawa noong taong 1984, at ang kanila ngang 37-taon ng pagmamahalan ay nabiyayaan naman ng tatlong mga anak, na sina Paolo, Gabriel at Kiana.

At sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ng mag-asawa, ay isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Angeli Pangilinan bilang kanyang pagbabalik tanaw sa 37-taong masayang samahan at matamis na pag-iibigan nila ng kanyang asawang si Gary Valenciano.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Angeli ang kuwento ng pag-iibigan nila ng kanyang asawa na sikat na singer na si Gary Valenciano. Ayon sa kanya, ang kanilang buhay mag-asawa ay dumaan din sa mga pagsubok kapareha ng ibang mag-asawa, at ang mga pagsubok na ito nga umano na kanilang napagdaanan at nalagpasan ang siya ring nagpatibay sa kanilang relasyon at pagmamahalan kaya naman umabot nga sila sa 37-taon.

Ibinahagi rin ni Angelis a kanyang IG post ang lumang larawan nila ng asawa, kung saan ito nga ay kinunan sa mismong araw na ginanap ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib. Kalakip nga nito ay ang kanyang naging mahabang caption, kung saan ay ibinahagi niya ang kuwento ng matatag at matamis na pagmamahalan nila.
Ayon nga sa naging caption ni Angeli, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa ipinagkaloob sa kanyang pamilya ang isang mapagmahal at mabuting asawa sa katauhan nga ng kanyang mister na si Gary Valenciano.

Itinuturing rin ni Angeli na isang biyaya ang 37-taon na pagsasama nila ng asawa niyang si Gary, dahil sa napakahaba ng panahon na kanilang pinagsamahan.
Kuwento pa niya, noong sila ay ikinasal ni Gary noon ngang taong 1984 sa Canlubang, ay na-bashed nga umano ito ng media, saad pa niya ng panahon na iyon ay ipinagbubuntis niya ang kanilang panganay na anak. Dagdag pa niya, sa kabila nga ng naging kontrobersyal noon ang relasyon nila ng sikat na singer ay hindi sila sumuko, bagkus ay kanila nga ito ipinagbalaban.

Naging kontroberyal umano ang relasyon ng dalawa, dahil sa pagkakaroon nila ng 6-taong age gap, kung saan ay mas matanda nga siya kay Gary. Noong ikinasal kasi sila ay 20-taon lamang ang sikat na singer, samantalang siya ay patungtong na sa kanyang edad na 26.

Nabanggit din ni Angelis sa kanyang post ang naging sumpaan nila ni Gary sa harap ng altar, kung saan nga ay magsasama silang dalawa sa hirap man o ginhawa.
Mababasa naman sa huling bahagi ng ng post ni Angeli ang isang makabuluhang verser mula sa Bibliya.

Sa kabila nga ng 37-taon na ang dumaan magmula ng ikasal ang mag-asawang Gary at Angeli, ay mababakas sa naging mensahe ni Angeli sa kanyang IG post na hindi pa rin nagbabago ang kanyang pagmamahal sa mister niyang si Gary Valenciano.


Post a Comment

0 Comments