Maraming mga artista noon, ang ngayon ay hindi na natin nasisilayan pa sa telebisyon. Ngunit sa kabila nito ay patuloy naman natin silang naalala at kinikilala dahil sa naging ambag nila sa indsutriya, at sa mga proyekto nila na tumatak rin sa damdamin ng bawat mga manonood..
Kabilang sa mga tambalan noon na ating madalas napapanood sa mga pelikula, ay sina Mahal at Mura. Ang kanilang tambalan ay isa lang naman sa mga iconic love team na talaga namang minahal at sinuportahan ng publiko. Sa ngayon nga si Mura Tesorero ay hindi na natin napapanood sa telebisyon, at kamakailan lamang ay naging laman siya ng social media ng mag-viral ang hirap ng buhay niya ngayon matapos nga niyang maaksidente, dahilan para mawala siya sa mundo ng showbiz.
Nito nga lamang nakaraan, sa isang YouTube vlog na ini-upload ni Mygz Molino sa kanyang YouTube channel, ay ipinakita niya ang naging muling pagtatagpo ng dating magkatambal at madalas magkasama sa proyekto na sina Mahal at Mura. Ang naging pagtatagpo nga na ito nina Mahal at Mura, ay nangyari ng bisitahin nina Mygz at Mahal si Mura sa munting tahanan nito sa probinsya.
Makikita nga, na hindi naging madali ang pagbisita nila na ito sa dating aktor, dahil para marating ang bahay nito, ay talagang malayo-layo rin ang lalakarin at napakaputik pa ng iyong daraanan. Matagal at malayo rin ang kanilang naging byahe, para lamang marating ang probinsya ni Mura.
Hindi naman alintana nina Mygz at Mahal ang mga ito, dahil ang tanging layunin nila ay ang mabisita ang dating aktor. Si Mahal naman ay talagang nais ring makita ang kaibigan na matagal na niyang hindi nakakasama at nasisilayan sa personal.
Dahil naman sa kalayuan ng lugar ni Mura, ay di naiwasan na maligaw pa sina Mahal at Mygz sa kanilang byahe, lalo pa’t inabot na sila ng gabi.
Samantala, sa hinaba nga ng biyahe ay muli ng nagkita ang dating magkaibigan na sina Mahal at Mura, at kitang-kita nga na sa pagkikita nilang ito ay tila walang nagbago sa ‘closeness at friendship’ nila. Kaagad ngang nagkulitan at nagtawanan sina Mahal at Mura sa kanilang pagkikitang ito.
Todo naman ang naging suporta ni Mygz, at hindi rin napigilan ang maging masaya para sa magkaibigan na muli ngang nagkita at nagkasama.
Ang naging pagkikita na ito nina Mahal at Mura ay nagbigay sa kanila ng pagkakataon na makamusta ang isa’t isa patungkl sa kanilang mga buhay-buhay ngayon, matapos nga nilang iwan ang mundo ng showbiz. Hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang nakakikilala kana Mahal at Mura, at hindi nalilimutan ang cute na cute na tambalan nila noon ngang napapanood pa sila sa telebisyon at mga pelikula.





0 Comments