Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Proud At Excited Na Sa Pagdating Ng Panganay Na Anak Ang Soon-To-Be-Daddy Na Si Neil Coleta

Hindi na nga maitago pa ng soon-to-be-daddy na aktor na si Neil Coleta ang kanyang kasiyahan at pananabik ngayon na nalalapit ng maisilang ng kanyang partner na si Jazmin Chinnei ang kanilang magiging panganay na anak. Base nga sa mga ilang ulat, ay isang ‘baby girl’ ang inaasahan na magiging panganay na anak ng mag-partner na Neil at Jazmin.

Dahil sa kanyang pananabik at pagiging excited sa pagiging isang daddy, ay masaya at proud ngang ibinahagi ni Neil Coleta sa kanyang social media account ang sonogram photo ng magiging ‘first baby’ nila ng partner niyang si Jazmin, kung saan ito nga ay isang baby girl base sa sonogram.
Kalakip ng ibinahagi na sonogram photo na ito ni Neil ay ang caption na;

“Happy 9th month to us… mahal na mahal ko kayo ni Jazmin alam mon a yun… gagawin ko lahat para sa inyo.”
Makikita rin sa nasabing larawan na magkasama sina Neil at partner niyang si Jazmin, habang parehong hawak ang sonogram ng kanilang magiging unang anak.
Samantala, sa social media naman ni Jazmin Chinnei ay ibinahagi rin nito ang parehong larawan at nilakipan ng mensahe ng pagbati para sa karelasyong aktor.
“I wang to be with you ‘til my last page”, saad ng ani Jazmin Chinnei.

Sa kabilang banda naman, makikita rin sa IG post ni Neil Coleta ang pagbabahagi niya ng mga larawan ni Jazmin na kuha naman sa naging maternity photo shoot nito. Ang mga ngiti nga ni Jazmin sa bawat larawan ay nagpapakita kung gaano na ito ka-excited na maging isang mommy.
Sa caption ni Neil sa maternity photo ng kanyang partner sa buhay na si Jazmi, ay inilahad niya kung gaano na siya ka-excited na masilayan at mahagkan ang kanilang magiging panganay na anak.

“So excited to meet this little person who is half me and half the one I love [red heart emoji]
Maraming salamat sa maternity photoshoot pag gusto niyo po ng photographer pedeng pede po siya any occasions!?”
“A great adventure is about to begin…”

“JAZMIN CHENNAI” “I love you konti na lang lalabas na siya.. andito lang ako lage sa tabi mo.”
Sa huli naman ay makikita na nakatag ang pangalang  na siya ngang photographer ng maternity photoshoot ni Jazmin.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Hunyo ng ibahagi ng magkasintahang Neil Coleta at Jazmin Chinni na silang dalawa ay magkaka-baby na.

Si Neil Coleta ay isang aktor, na unang nakilala sa paglabas niya sa isang commercial, at ito nga ay sa commercial series ng Neste. Ilan naman sa mga proyekto sa telebisyon na kanyang kinabilangan ay ang 100 Days to Heaven, Juan Dela Cruz at FPJ’s Ang Probinsyano na pawing napanood sa ABS-CBN network.


Post a Comment

0 Comments