Kamakailan lamang ay nag-viral ang larawan ng aktor na si Eric Fructuoso, matapos ngang kumalat sa social media ang kanyang larawan kung saan ay makikita siya na nagmamaneho ng tricycle. Madami ang nag-akala na ang aktor ay ay namamasada na ngayon, dahil nga sa larawan.
Maging ang ilan nga sa mga kaibigan ni Eric ay inakala nga na totoo ang nasa larawan.
Samantala, dahil nga sa nag-trending na larawan na ito ni Eric ay isang kaibigan niya ang nagmagandang loob at pinadalhan siya nito ng pera.
Ayon sa aktor, inakala nga ng kanyang kaibigan na siya ay totoong namamasada na ng tricycle kaya naman agad itong nagpaabot ng tulong pinansyal para sa kanya. Hindi na rin naman pinangalanan ni Eric kung sino ang kaibigan niya na ito na talaga namang masasabi nating napakamatulungin.
Sa naging panayam.nga kay Eric ni Ogie Diaz patungkol sa usapin na ito na pagbibigay ng tulong sa aktor ng kanyang isang kaibigan, ay naikuwento ng aktor na sa kabila ng pag tanggi niya sa nasabing pera ay ipinadala pa rin ito sa kanya ng kaibigan.
Dagdag na saad ng aktor, kinamusta siza ng kaibigan, at sa kabila nga ng kanyang naging pagtanggi sa tulong dahil sa nairaraos naman niya ang buhay sa kabila ng krisis ay itinuloy pa rin ng kaibigan niya ang pagpadalanng pera sa kanya na nagkakahalaga nga umano ng P20,000.
“Hindi ko sinasabi na ok ako, hindi ko sinasabing hindi ko kailangan, pero mabubuhay ako. Kasi balita ko nagta-tricycle ka na raw’, so akala niya totoo yung nagtrend noon na nagtatricycle ako”, pagbabahagi ni Eric.
Naibahagi naman ni Eric na ang perang ibinigay sa kanya ng kaibigan ay naisipan niyang gamitin sa mas maayos na paraan. Ginamit niya ito sa pagsisimula ng isa sa kanyang negosyo, at Aang kalahati nga ay ibinigay niya sa ina ng kanyang mga anak na matagal din niyang hindi nasustentuhan.
Ilang buwan nga lamang ay napalago ni Eric ang kanyang sinimulang negosyo, kaya naman nakapagsimula pa siya ulit ng isa pang negosyo at ito nga ay ang kanyang binuksang food business na tinawag niyang “Gwapings”.






0 Comments