Noon lamang huling buwan ng Agosto ay ginulat ng magkasintahang aktres at aktor na si Ellen Adarna at Derek Ramsay ang lahat ng kanila ngang i-anunsyo na silang dalawa ay ‘engaged’ na. Ito nga ay isang buwan lamang matapos ang naging rebelasyon nila ng kanilang relasyong dalawa.
Sa Instagram ni Ellen ay kanyang ibinahagi ang mga sweet momments at kilig scenes ng araw na mag-propose sa kanyang ang nobyo niyang si Derek Ramsay.
Magmula naman ng maging engaged ang dalawa ay mas lalo pa silang naging bukas sa publiko patungkol sa kanilang relasyon, kung saan ay mas naging madalas na nga ang pagbabahagi nila sa kani-kanilang social media ng mga larawan at videos na sila ay magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sina Ellen at Derek ay parehong mayroong naging anak sa kani-kanilang naging karelasyon noon. Ngunit makikita nga pareho silang mayroong magandang relasyon sa mga anak nila.
Samantala, nito lamang namang nakaraan, ay muling nagbahagi si Ellen ng mga larawan nila ng nobyo at ito nga ay kinunan sa naging masayang pamamasyal nila sa isa sa napakagandang lugar sa Bataan. Kasama nila sa pamamasyal nilang ito ang mga magulang ni Derek at ang anak ni Ellen na si baby Elias Modesto.
Ang napakagandang lugar nga na kanilang pinasyalan ay ang Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort. Tunay namang napakaganda ng tanawin ng lugar, at kitang-kita nga na nag-enjoy ang unico hijo ni Ellen na si baby Elias.
Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Ellen na hindi lamang ang nobyo niyang si derek ang malapit sa kanyang anak na si Elias, dahil maging ang mga magulang ng aktor ay kita rin ang pagka-aliw sa napaka-kyut na bata.
Hindi lang naman si baby Elias ang makikitang nag-enjoy sa naging pamamasyal at bakasyon na ito, dahil maging ang magkasintahang rin sina Ellen at Derek ay makikita na sobrang sinulit ang pamamasyal nila sa magandang lugar ng Bataan at kitang-kita nga sa kanilang mga larawang dalawa ang masaya at kilig moments nila habang sila ay nasa nasabing lugar.








0 Comments